Facebook

Cris Villonco love-hate ang naging relasyon sa namayapang lolang si Armida

Ni ARCHIE LIAO

NAG-throwback si Cris Villonco nang maging panauhin siya sa YouTube channel ni Toni Gonzaga.
Aniya, malaki raw ang impluwensiya ng namayapa niyang lolang si Armida Siguion-Reyna kaya nakapasok siya sa showbiz.
Pero dahil basically shy daw siya at introverted, nahirapan siyang makapasok sa showbiz industry.
Tulad ng ibang nanggaling sa teatro, dumaan din daw siya noon sa auditions.
Noong malaman daw ng kanyang lola na may talento siya sa pagkanta, saka raw siya kinuha nito sa “Aawitan Kita.”
Aminado siyang strict si Tita Midz pero nagpapasalamat daw siya dahil marami siyang natutunan dito pagdating sa disiplina.
Dahil produkto ng isang international school at inglesera, sinanay din daw siya ng beteranang singer at aktres sa tamang pagta-Tagalog at tamang pagbigkas ng mga salita.
Masasabi raw na ‘love-hate’ ang naging relasyon niya sa kanyang sumakabilang-buhay na lola.
Minsan daw ay sinisante siya nito sa produksyon ng kanilang musical special.
Nagpagupit daw kasi siya ng maikling buhok noon na hindi nagustuhan ni Tita Midz dahil hindi na raw ito babagay sa konsepto ng kanilang OPM show.
Ang ending, pinauwi raw siya ng prangka at matapang na producer.
May mga pagkakataon nga raw na hiniya siya nito sa harap ng production people.
Gayunpaman, hindi raw naman siya nagalit sa kanyang lola dahil malaki ang utang na loob niya rito lalo pa’t marami siyang binaon dito pagdating sa disiplina sa kanyang craft.
Kahit nakapagbida na noon sa pelikula at nakalabas na sa mga teleserye, naging reluctant daw naman siya sa pagpasok sa mainstream acting sa showbiz.
Mas in-embrace raw niya ang teatro.
Sa ibang bansa ay nagpakadalubhasa raw siya kung saan inaral niya ang iba’t ibang aspeto ng produksyon sa teatro.
Tungkol naman sa nagiging pagkukumpara sa kanya kay Lea Salonga na pareho niyang nanggaling sa teatro, aniya, tanggap daw niya na magkaiba sila ng boses ng Tony award winning actress.
***
AOV International Choral Festival, inilunsad ang paghahanap sa best choral groups sa bansa
Muling nagbabalik ang prestihiyosong biennial choral competition na Andrea O. Veneracion (AOV) International Choral Festival na gaganapin mula Hulyo 20 hanggang 23, 2023 sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Manila.
Ito ay handog ng The Cultural Center of the Philippines sa pakikipagtulungan sa Philippine Madrigal Singers.
Ipinangalan sa namayapang National Artist for Music, ang kumpetisyon ay magtatampok sa 22 choirs na maglalaban sa Folk Song, Equal Voices at Mixed Choir categories.
Sa taong ito, magtutunggali ang The Archangel’s Journey Chorale mula Caloocan City; BINHS’s Salinlahi Serenata Singers ng Silang, Cavite; Calasiao Treble Chorus ng Calasiao, Pangasinan; Coro Jesu mula Makati City; De La Salle University Chorale ng Manila; DYCI’s Dagalak mula Bulacan; Gloria Patri Singers ng Quezon City; Lighter Side Movement mula Mandaluyong City; Los Cantantes De Manila mula Manila; Oroquieta Chamber Singers ng Lucena City, Quezon; Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo Chorale ng Laguna; Philippine Normal University Chorale ng Manila; Philippine Vocal Ensemble mula Makati; St. Paul College Pasig High School Chorale ng Pasig City; Tarlac Männerchor mula Tarlac City, Tarlac; at University of Baguio Voices Chorale mula Baguio City, Benguet.
Ang mga kinatawan mula Visayas at Mindanao ay binubuo ng mga sumusunod: Silay City Chorale mula Silay City, Negros Occidental; Jose Rizal Memorial State University Dimasalang Choristers ng Dipolog City, Zamboanga Del Norte; University of Mindanao Chorale mula Davao City, Davao del Sur; University of Southeastern Philippines Harmonia Polifonica Chorale mula Davao City, Davao del Sur; at Western Mindanao State University – Grand Chorale ng Zamboanga City, Zamboanga Del Sur.
Kasama rin sa kumpetisyon ang Bangkok Voices mula Thailand.
Ang mga pinagpipitaganang miyembro ng inampalan ay sina Christo Burger (Africa), Jãnis Ozols (Europe), Virginia Bono (South America), Zimfira Poloz (North America), at Mark Anthony Carpio (Asia).
Ang bawat winning choral group ay magwawagi ng cash prizes at conch shell trophy na idinisenyo ni Mary Catherine Sta. Ana.
Ang Folk Song competition ay magsisimula sa Hulyo 21, 5:30 ng hapon samantalang ang Equal Voices at Mixed Choir competitions ay idaraos sa Hulyo 22, 3 pm at 5:30 pm.
Magkakaroon din ng gala concert ang The Philippine Madrigal Singers sa Hulyo 23 sa ganap na alas tres ng hapon.
Para sa tiket, makipag-ugnayan sa Ticket World sa https://ift.tt/0Zze94t.
Para naman sa mga katanungan, puwedeng kontakin ang AOV International Choral Festival, Manila 2023, o bisitahin ang website na https://ift.tt/twR2yYe at https://ift.tt/Pae4hqg.

The post Cris Villonco love-hate ang naging relasyon sa namayapang lolang si Armida appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cris Villonco love-hate ang naging relasyon sa namayapang lolang si Armida Cris Villonco love-hate ang naging relasyon  sa namayapang  lolang si Armida Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.