Facebook

VP Sara sa tuloy na imbestigasyon ng ICC at pagsadya ng ama sa Chinese President: ‘NO COMMENT’

TIKOM ang bibig ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte hinggil sa pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon ng kontrobersyal na war on drugs campaign na ikinasa ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tuloy parin ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber sa anti-drug war. Mayorya sa appeals chamber ang pumabor at nais na ibasura ang apela ng Pilipinas.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, ‘no comment’ siya sa naging desisyon na ito ng ICC o International Criminal Court.

Magugunita na sinuspinde ng naturang criminal court ang imbestigasyon sa drug war noong Nobyembre 2019 matapos mag prisinta ang gobyerno ng Pilipinas na magsasagawa ito ng sariling imbestigasyon sa libo-libong namatay sa mga operasyon kontra iligal na droga.

Iginiit din ng Pilipinas na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court dahil 2019 pa kumalas ang bansa.

Subalit matapos hindi makapagbigay ng sapat na imbestigasyon ang bansa, itinakda ng International Criminal Court pre-trial chamber na ituloy ang kanilang imbestigasyon.

The post VP Sara sa tuloy na imbestigasyon ng ICC at pagsadya ng ama sa Chinese President: ‘NO COMMENT’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
VP Sara sa tuloy na imbestigasyon ng ICC at pagsadya ng ama sa Chinese President: ‘NO COMMENT’ VP Sara sa tuloy na imbestigasyon ng ICC at pagsadya ng ama sa Chinese President: ‘NO COMMENT’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.