Paglalaro at pagtitinda ng mga LATO-LATO ay bawal na at kinukumpiska na ng mga kinauukulan sa lahat ng mga naninirahan sa BARANGAY MATANDANG BALARA, QUEZON CITY.
Hindi lamang sa mga RESIDENTE ng naturang lugar kundi maging sa lahat na magsisitungo o dadayo sa nasabing BARANGAY ay huwag po kayong magpapakita na mayroon kayong hawak o nilalarong LATO-LATO dahil makukumpiska.ang inyong nilalaro.
Sa ulat nii MIRASOL ABDURAHMAN sa “24 ORAS” nitong nakaraang Huwebes ay pinasimulan na umano ang pangungumpiska ng mga awtoridad sa nasabing lugar nakaraang naglabas ng EXECUTIVE ORDER (EO) noong July 27 si BRGY. MATANDANG BALARA CHAIRMAN ALLAN FRANZA hinggil sa pagbabawal sa pagbebenta, distribution, possession.., lalo na ang paglalaro ng maingay na pag-uuntugan ng 2 solidong plastik na bola o ang tinatawag na LATO-LATO na marami sa mga ito ay luminous o umiilaw pa sa gabi o saan mang panig na madilim.
Ang EO ng MATANDANG BALARA ay ibinatay sa FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) ADVISORY hinggil sa posibleng peligrong idudulot ng LATO-LATO sa kalusugan ng mga bata.., na maging ang DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) ay nagpahayag na dapat nang itigil ang pagbebenta ng kinalilibangang laruan dahil wala pa umano itong nakuhang kaukulang dokumentasyon mula sa FDA.
“Whereas, playing lato-lato toy further cause noise which is excessively loud and brought disturbance in the neighborhood, it is the responsibility of Barangay Matandang Balara-LGU to safeguard its children and adult population to the possible danger of playing lato-lato toy,” bahagi ng nilalaman sa inilabas na EO ng nasabing BARANGAY.
Kaya.., ang lahat ng tindahan sa MATANDANG BALARA ay pinagbawàlan na sa pagtitinda ng LATO-LATO at maging ang mga residenteng nasasakupan ng nasabing barangay ay pinagbawàlan na rin na humawak at maglaro ng nasabing bagay.
“Meron pa po tayong mga nagwo-work from home eh, nakakaabala sa kanilang trabaho. Naglabas na tayo ng EO para mapre-empt na natin yang talagang nagkakasakitan na mga bata dahil diyan sa lato-lato,” pahayag ni FRANZA.
Ang mga makukumpiska o nakumpiskang LATO-LATO ay dinadala sa BARANGAY MATERIAL RECOVERY FACILITY para ma-recycle.
Sa paglilinaw ni FDA DIRECTOR GENERAL DR. SAMUEL ZACATE.., ang mga laruan ay nasasakop sa mandato ng FDA sa ilalim ng CENTER FOR COSMETICS AND HOUSEHOLD REGULATION.
“So if it’s not registered to us, if it’s not notified through our regular process, we can say only that we cannot guarantee the safety of those things. Lalong lalo na po ginagamit po ng mga bata so napakahirap din po kasi hindi natin alam kung ano ang mga nakahalo doon. So I think the [Department of Trade and Industry] is also addressing that particular matter, and the FDA is also addressing,” paglilinaw ni ZACATE.
Kaya naman.mga ka-ARYA, tila ang BRGY. MATANDANG BALARA ang nauna sa paghihigpit at pagbabawal sa pagtitinda at paglalaro ng LATO-LATO.., gagayahin din kaya ito ng mga BARANGAY sa QUEZON CITY o ng mga BARANGAY sa METRO MANILA o sa buong bansa?
Ang dapat na managot sa pagrarasyon ng mga LATO-LATO ay ang MANUFACTURER o kung walang nagma-manufacture sa ating bansa at ito ay inaankat sa ibang bansa ay ang mga LATO-LATO IMPORTER ang dapat managot at hindi iyong mga maliliit na manininda lamang ang napi-perhuwisyo sa kumpiskahan.., kaya nang minsang magtanong ang ARYA sa ilang mga manininda ay patago na umano muna ang kanilang pagbebenta hanggang mapaubos para mabawi naman daw nila ang kanilang ipinampuhunan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post LATO-LATO BAWAL SA BARANGAY MATANDANG BALARA! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: