Isang taon na ang administrasyon ni Boy Pektus subalit hindi ramdam ang pangakong banggit na pagbabago sa pamumuhay ng bayan. Maraming kakaining bigas si Mang Juan upang madama ang binitawang pangako na ramdam ang pagbigat sa halip na gumaan ang pasaning pangkabuhayan. Walang naitalang pagbaba ng mga bilihin bagkus puro pagtaas ng presyo na ikinalulungkot ng nakararami. Hindi komprehensibo ang mga programang inilatag na kakikitaan ng malamyang pagtanggap ng bayan sa kadahilanang wala pag-asenso sa kabuhayan. Nariyan ang mga pagtatalaga sa mga dating tauhan sa mga pwesto sa pamahalaan na sa halip na ikalugod ito’y pinagtakhan dahil sa kawalan ng kaalaman sa pwestong tatanganan. Sa dami ng itatalaga, isang dating abogado na inalisan ng lisensya ang kumuha ng gawain na malayo sa karanasan ang kumuha ng pwesto bilang hanap buhay. At heto’, inilagay bilang Presidential Adviser sa pag-angat sa kahirapan ng mamamayan.
Ilang araw sa pagkakatalaga lumabas ang utos ng Supreme Court na nag-aalis bilang abogado sa itinalagang PA ni Boy Pektus. At sa pagkakatalaga, naulinigan ni Marites na ibig ni PA na ang mga pondo sa mga iba’t – ibang ahensya sa pamahalaan na may programa laban sa kahirapan, kailangan padaanin kay PA upang magkaroon ng dating ang pwestong tangan. Ang masakit may lead convenor ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) na tumatayo bilang Kalihim na unang naitalaga ni Boy Pektus. Bilang kalihim ng NAPC ipinapakita nito ang mga programang inaakyat ng mga labing apat batayang sektor na bumabalangkas sa bawat programa na mag-aangat sa kani-kanilang kalagayan. Sa pagkakatalaga ng isang PA, hindi malinaw ang magiging tungkulin nito sa loob ng NAPC o sadyang tuwirang pagbibigay ng mungkahi kay Boy Pektus ng programa para sa mahihirap na ‘di kailangan galing sa batayang mga sektor. Ang magaling nito, kagat ng media ang kilos ni PA na nagiging balitang bayan, una na ang Nutrition Program. Samantala, batid ni Mang Juan na nagkaroon ng En Banc ang NAPC, para kanino ang pagpupulong.
Sa dami ng administrasyon na umupo at tumutok sa pagpapaangat sa kahirapan ng mamamayan ngunit o tila mas marami ang ‘di nagtagumpay sa kadahilanang walang kalakip na pagmumulat sa tao na dapat tulungan. Nakatutok ang pamahalaan sa pansamantalang programa sa halip na bigyan pansin ang pangmatagalan programa na may pakinabang. O’ walang puwang ang pag-ahon ng masa dahil ginawang hanapbuhay ng mga lider – lideran na malaki ang sariling pakinabang sa halip na magserbisyo. Marami sa mga tumatayong lider na dala ang mga usapin ng mga sektor na una ang sarili bago ang bayan. Nariyan na ibig makaupo sa mga mesa na pang opisyal na bitbit kuno ang interes ng sektor ngunit sa totoo lang, sariling pakinabang ang una. Tunay na kinakapital ang pagiging malapit sa tagapagtalaga na nagdudulot na mapasama sa lider-lideran ng bansa.
Sa pagsilip sa mga taong malapit sa puno ng Balite ng Malacanan nariyan na ginagamit ang lapit sa nagtatalaga na tapat kuno na taga-sunod ng mailagay sa mga pwestong ibig. Ang masaya dito naiiwan ang mga usapin o isyu na dating ipinaglalaban at dahil sa nalangisan sa bibig ng sakit na kalimot, sorry na lang Mang Juan . Walang pakundangan na ipinagmamalaki ang pwestong tangan at sinasabi ang yaman at mga pag-aari bago pa ang pagkatalaga. Hindi kailangan na dumami ang kasalukuyang pag-aari dahil tunay na marami na ito. At ang pagdadala ng programa para sa masa ang dapat unahin at ‘di ang sarili. Tanong, bakit kailangang dumaan sa kamay ni PA ang pondo ng mga ahensya na may programa sa kahirapan.
Sa usapin sa pagpapaangat ng kabuhayan ni Mang Juan, tunay na masasabing kumikilos ito at dama ang pagbulusok pababa. Walang makitang pagbuti sa kabuhayan higit hirap itong mabili ang mga pangunahing pangangailangan na kasing taas ng higante ang presyo. Tila kasing ilap ng labuyo ang tulong ng pamahalaan lalo’t ang may kakawing na pagmumulat at pangmatagalang solusyon para sa bayan. Silipin ang pagtaas ng sahod, nariyan na itinaas ang sahod ng P40 kada araw sa pribadong sector, ngunit ang umentong bangit ay ‘di sapat na maibsan ang hirap na dinaranas ni Mang Juan sa mahal ng bilihin. Sa pag-aaral ng IBON Foundation, ang P150/day na umento ang tamang halaga ng umento na sanay matangap upang makalapit sa usapin ng halagang kailangan ng pamilya na may anim na miyembro. Tulad ng bangit, tila walang puwang ang pag-ahon ng tao sa laylayan higit sa mga tumatao sa pamahalaan.
Sa totoo lang, hindi ramdam ni Mang Juan ang serbisyo ng pamahalaan higit mas kinatatakutan ang kilos na pakinabang pansarili ang layon. Ang pagkakatalaga sa sinumang tao na inalisan ng lisensya sa propesyong pinasukan ang nagsasabing may kakulangan sa pagtatasa ang tao sa Balite ng Malacanan. Hindi nagawa ng CSW (Complete Staff Work) na batayan sa pagtatalaga ng mga taong nais makasama sa pamahalaan. Bakit kailangan na magtalaga gayung batid na sapat na ang pagiging tapat kay Boy Pektus. Kailangan ba ng posisyon upang masabing malapit sa pangulo. O’ kailangang bumawi sa mga panahon na ginugol bilang tapat na tauhan.
Sa totoo lang, hindi ramdam ang presensya ng pamahalaan ni Boy Pektus higit ang programang magbabawas ng pasanin sa kinabukasan. At kabaligtaran ang nabuo tulad ng Maharlika Fund na sadyang nawala sa balita dahil sa mga kontrobersyang kinaharap. Wala sa balita ang milyong dolyar na inutang na ‘di bangit para saan ang gamit. Walang balita hinggil sa mga mapapasukang mamumuhunan na resulta ng maraming opisyal-pasyal. Ang masakit nariyan ang pagkakatalaga sa Presidential Adviser sa Poverty Alleviation sa taong kilalang walang puwang ang mahihirap sa puso nito. At sa totoo lang, mas dama ni Mang Juan ang takot sa halip na serbisyo.
Maraming Salamat po!!!
The post MAS DAMA ANG TAKOT appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: