Facebook

One Stop Shop Government Center nais ng maitayo ni Taytay Mayor Allan De Leon!

Bago po natin simulan ang pagbibigay ng mga detalye sa pangarap ni Taytay Rizal Mayor Allan De Leon na maitayo ang isang One Stop Shop Government Center ay bigyan muna natin ng espasyo ang mga katuwang sa pag-unlad ng bayan.

Sa darating na July 14, 2023 mga Ka Usapang HAUZ may magandang iaanunsiyo ang tinaguriang Action Man Mayor De Leon at siguradong ikatutuwa hindi lang ng mga Taytayeno’s kundi maging sa buong Lalawigan ng Rizal.

May nabanggit sa Usapang HAUZ si Mayor De Leon hinggil sa mga gagawin nitong paghahanda para sa nalalapit na unang taon para sa Ulat sa Bayan kasi nga naman parang kelan lang eh isang taon na pala siya bilang Ama ng bayan ng Taytay.

Hindi na makakapagpigil pa ang Usapang HAUZ sa mga nabanggit ng Alkalde upang mailathala na at malaman na ng mamamayan ng Taytay ang magaganap sa July 14,2023 kung ano ang dapat ikasaya ng mamamayan

Eto na mga Ka Usapang HAUZ bibigyan pala ng pagkilala ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Allan De Leon at ng Konseho ang mga top Tax Payers na siyang malaki ang naiambag para sa pagbulusok paitaas ng kaunlaran ng bayan na nasa category of first class municipality, ibig sabihin isang ubo na lang City na.

Bukod sa mga top tax payers ay gagawaran rin ng pagkilala ng pamahalaang lokal ng Taytay ang mga kawani na umabot sa 10 taon na naging tapat sa kanilang mga tungkulin na halos iginugol ang sarili sa paglilingkod sa taong bayan.

Sabi ni Mayor De Leon tsaka na lang nila malalaman kung sino sinong indibidwal ang mga tatanggap ng pagkilala abangan na lang sa July 14 napaka sorpresa naman mayor.

Ngayon mga Ka Usapang HAUZ dadako na tayo sa pangarap ni Mayor Allan De Leon na kanya ring naibahagi sa atin ang pagkakaroon ng One Stop Shop Government Center.

Hindi pangarap kundi nais ni Mayor Allan De Leon na sa darating na third quarter ay maisakatuparan o magkaroon ng major development ng sa gayon ay masimulan na ang government center.

Sakaling maaprubahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang aking inihaing proposal ay tinatayang aabot sa 20 hectares lot ang mapaglalagyan ng one stop shop govt center sa pagitan ng Brgy. San Juan at Brgy. Brgy. Sta Ana.

Sa kasalukuyan ayon kay mayor De Leon nakikipagpulong na siya sa mga tagapamahala ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) kung saan halos magiging kalapit ng Laguna Lake ang pagtatayuan ng gusali ng government center kung kaya’t dapat na ring magkaroon ng MOA o kasunduan.

Mapapabilang din pala sa 20 hectares government center sakaling maaprubahan ay ang bagong lockup jail, Agri Office, Vet Office at marami pang iba, “meron na po naman tayo dito sa Taytay na mga government offices tulad ng NBI, BIR, DENR PENRO at iba pa pero magkakalayo sila kung sa iisang lugar siguro maitayayo ang mga ito mas maginhawa ang taong bayan”

Sakali namang hindi maaprubahan ang 20 hectares government centers ay sana kahit paano ay may maibigay sa atin ng pwedeng mapagtayuan ng ikagiginhawa ng mamamayan, “ang isa sa kinatatakutan ko ay baka may pribadong mag claim sa area na target nating pagtayuan ng govt center paliwanag ni De leon.

May pahabol mga Ka Usapang HAUZ ang Action Man Taytay Mayor Allan De Leon na sa kanyang Ulat sa Bayan ng kanyang unang taon sa paglilingkod mas marami pang naka linya na ikatutuwa ng Taytayeno’s sa dalawang taon pa niyang panunungkula.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036

The post One Stop Shop Government Center nais ng maitayo ni Taytay Mayor Allan De Leon! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
One Stop Shop Government Center nais ng maitayo ni Taytay Mayor Allan De Leon! One Stop Shop Government Center nais ng maitayo ni Taytay Mayor Allan De Leon! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 02, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.