Ipinapaubaya na ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pangangulong Fedinand Marcos Jr. kung tuluyan bang ipapatigil ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Ito ay sa gitna ng iba’t-ibang mga krimen na kinasasangkutan ng mga ito, habang nagpapatuloy ang operasyon dito sa bansa.
Ayon kay SP Zubiri, kailangan na ng pinal na desisyon ukol sa operasyon ng mga ito, dahil sa matagal nang nakaka-apekto ang kanilang operasyon sa imahe ng Pilipinas.
Kung magdedesisyon ang pangulo na ipatigil na ang kanilang operasyon, isang malaking hamon dito umano ay kung gaano katagal ang pagpapatigil, o kung gagawin ba itong minsanan o paunti-unti.
Kung ang magiging desisyon ay i-regulate ang operasyon ng POGO, kakailanganin din ng Kongreso na gumawa ng mga batas na magtitiyak sa maayos na tax collection sa mga ito, tamang lugar kung saan sila mag-operate, at regular na review sa kanilang mga empleyado at transaction.
Kailangan na rin aniya ng batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga POGO-related crimes, oras na ito ang magiging desisyon.
Kung sabagay halos di na ramdam ng ekonomiya ng bansa ang tulong ng POGO sa ngayon, di tulad noon sa panahon ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan bumuhos ang malaking pangangailangan sa pondong mula dito partikular na nga noong panahon ng pandemya.
Normal na halos ang sitwasyon kung saan di na rin gaanong napapansin ang kahalagahan ng pondong nagmumula sa POGO kumpara sa damage na naipagkakaloob nito sa imahe ng bansa at sa grabeng kriminalidad na kinasangkutan ng POGO gaya ng kidnap for ransom,patayan, torture at human trafficking na kagagawan ng mga dayuhan.
Oo nga’t sa mga nagdaang panahon ay malaki ang naitulong ng POGO sa ekonomiya ng bansa,kabaliktaran naman na perwisyo ang dulot nito sa bansa at sa mga mamamayang Pilipino.
It’s about time to let go of POGO at palayasin na sa bansa ang mga dayuhang kriminal na dito nagkakalat at naghahasik ng lagim sa bansa.
Ito rin ang sentimiyento ng marami nating mga kababayan na nagsasabing nakokorap ang mga taong gobyerno magmula nang payagang mag- operate sa Pilipinas ang POGO.
Pabor tayo sa agarang pagpapalayas sa mga dayuhang ito na di rumerespeto sa ating mga batas.
Desisyon mo na lang mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang inaantay!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post KAPALARAN NG POGO,NASA KAMAY NI PBBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: