Pagpataw ng mataas na buwis sa vape products at upang maiwasan ng mga kabataan ang paggamit nito napapanahon AnaKalusugan Party-List
NAPAPANAHON na umano ang pagpataw ng mas mataas na buwis sa mga vape products bilang dagdag pondo para sa Universal Health Care (UHC) at upang matugunan ang tumataas na paggamit sa hanay ng mga kabataan ng e-cigarettes sa kasalukuyan.
Ito ang paniniwala ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray T. Reyes bilang malasakit sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na sukdulan ang paggamit ng e-cigarettes sa Pilipinas.
“It is very alarming that more and more Filipino youth are using vape and e-cigarettes. Increasing taxes on these products will not only raise funds for Universal Health Care but also dissuade its use especially among young people,” diin ni Rep. Reyes.
Ipinunto ng mambabatas ang 2019 Global Youth Tobacco Survey (GYTS) na ipinalabas nuong 2021 kung saan may 14.1 porsyento ng mga kabataang mag-aaral ang talamak nang gumagamit ng electronic cigarettes o vapes.
“It is very alarming because the GYTS study also showed the Philippines topping the list of countries in Southeast Asia where teen vaping is on the rise,” saad ni Reyes.
Sinabi pa ng house solon na karaniwan nang pinaniniwalaan na ang paggamit ng vape ay “ligtas” bilang alternatibo sa paninigarilyo subalit hindi lingid sa kaalaman ng mga gumagamit na may banta pa rin ito sa kanilang kalusugan.
“Kailangang protektahan natin ang ating mga kabataan mula sa mga masamang bagay na maaaring idulot ng mga produktong ito,” ayon sa mambabatas.
Kanilang pinag-aaralan aniya ang panukalang itaas ang minimum age ng mga indibiduwal na maaaring bigyan ng pahintulot sa paggamit ng vape products.
“All of these are addictive and pose various health risks. Maybe it is wise to raise the minimum age of purchase for these products,” ani ni Reyes.
Dismayado si Rep. Reyes sa Republic Act 11900 o mas kilala bilang Vape Law na inaprubahan bilang nuong July 2022 kujng saan ibinaba ang age limit sa paggamit ng vape mula 21 hanggang 18 taong gulang.
The post Pagpataw ng mataas na buwis sa vape products at upang maiwasan ng mga kabataan ang paggamit nito, napapanahon – AnaKalusugan Party-List appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: