Facebook

Proteksyunan ang mga proyekto kontra vandals at theft Mayora Honey

UMAPELA si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng Maynila na tumulong upang proteksyunan ang mga proyekto ng lungsod laban sa bandalismo at pagnanakaw.

Dagdag pa rito, ay hiniling niya rin sa mga residente na kaagad na ipagbigay alam ang mga nagaganap na bandalismo at nakawan sa mga awtoridad upang maaksyunan agad.

Ginawa ni Lacuna ang panawagan makaraang pangunahan ang lighting up ng may 29 lamp posts sa kahabaan ng Yuseco Street mula Jose Abad Santos hanggang Rizal Avenue, na sinamahan nina Vice Mayor Yul Servo, Congressman Joel Chua (3rd district), Councilors Jong Isip, Fa Fugoso, Tol Zarcal at Terrence Alibarbar, at iba pa.

Sa kanyang maiksing mensahe, pinasalamatan ni Lacuna ang Manila City Council na pinamumunuan ni Servo bilang Presiding Officer na dahil sa pagtatrabaho nito ay napabilis ang approval ng mga pondo na kailangan upang maipatupad ang mga programa at proyekto ng administrasyon.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Lacuna kay Congressman Chua na ayon sa kanya ay nangako na magbibigay ng tulong kapag kinakailangan.

“Kapag di na kaya (ng pamahalaang-lokal), siya (Chua) naman daw ang magpapailaw,” sabi ni Lacuna.

“Ipangako ny’o sa amin na sana ay mabantayan nyo ang ating mga ilaw laban sa nagpuputol ng kable at masasamang-loob…i-report nyo kaagad. ‘Wag kayo mag-atubili dahil pinaghirapan ng pamalaan ito. Sayang naman ang pondo. Pag-ingatan ninyo ang lahat ng inilalagay sa inyong lugar,” apela ni Lacuna sa mga barangay officials at residente na naroroon, sa pangunguna ni Chair Ann Kristine Abella.

Pinasalamatan din ng alkalde si City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadac at ang Meralco sa patuloy na pagpapailaw ng mga kalye na ayon sa kanya ay magbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga residente na maaari ng makapaglakad ng ligtas sa gabi sa gitna ng maliwanag na mga kalye.

Nabatid na ang Yuseco street lighting, na sumasakop ng kabuuang walong barangay sa second at third districts, ay ang third phase ng city’s lighting program. Ang first phase ay sumasakop sa Lacson-Espana area at the second phase ay ang Fugoso Street.

Sinabi ni Lacuna na ang programa ay layuning tulungan ang barangay officials na nagpapatrulya sa mga kalye sa gabi at tiniyak nito na ang lighting program ay magpapatuloy hanggang sa mailwan na ang lahat ng kalye sa kabisera ng bansa.

“Umasa kayo na sa abot ng makakaya ng inyong pamahalaan ay magpapatuloy ang ganitong mga simple pero makabuluhang proyekto para masiguro ang inyong proteksyon lalo na sa araw-araw nyong pamumuhay,” paniniyak ni Lacuna. (ANDI GARCIA)

The post Proteksyunan ang mga proyekto kontra vandals at theft – Mayora Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Proteksyunan ang mga proyekto kontra vandals at theft Mayora Honey Proteksyunan ang mga proyekto kontra vandals at theft  Mayora Honey Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.