Facebook

KABADO SI DUTERTE

NAPANOOD ko ang video clip ni Rodrigo Duterte na nakipagkita kay BBM sa Malakanyang noong kasagsagan ng bagyo, Miyerkoles na gabi. Galing umano si Duterte mula Peking kung saan nanatili siya ng dalawang linggo upang maiwasan ang desisyon ng International Criminal Court kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na iniharap sa kanya ng mga kritiko tungkol sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga noong nakaupo siya.

Ipinaskel ng Presidential Communications Office (PCO) ang video clip sa X (dating Twitter) social networking site. Masayang sinalubong at tinanggap ni BBM at ilang piling miyembro ng Gabinete si Duterte na lulugo-lugong pumasok sa Palasyo. Gumamit ng baston ang lider na taga-Davao City at palatandaan ito na may problema siya sa balanse ng katawan.

Walang ibinigay na detalye ang PCO tungkol sa pagbisita ni Duterte kay BBM. Sinabing nag-ulat umano si Duterte kay BBM tungkol sa pulong niya kay Xi Jinping na nagpahayag ng pagtutol sa alyansang militar sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos. Walang ibinigay na komitment si BBM kay Duterte sapagkat kasado na ang alyansa at hindi na ito maiuurong.

Inaliw ni BBM si Duterte. Binigyan ng trato ni BBM na bagay sa sugo ng ibang bansa. Mistulang sugo ng China si Duterte. Alam ni BBM na kakatawanin ni Duterte ang interes ng China sa pulong nila. Kaya pinagbigyan niya ang tila bangag na lider.

Hindi alam ni Duterte na tinutuya siya ni BBM. Bilib si Duterte sa sarili pero may higing siya na walang bilib si BBM sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit tumakbo sa Peking. May pakiramdam siya na isusuko siya ni BBM sa sandaling hingin siya upang managot sa maraming patayan, o EJKs, sa ilalim ng kanyang bigong giyera kontra droga.

May katwiran kabahan si Duterte sa ICC. Sa desisyon ng ibinaba noong ika-18 ng Hulyo ng lima-kataong Appeals Chamber, hindi lang binigyan ng awtorisasyon ang ICC Prosecutor na ituloy ang nabalam na formal investigation kay Duterte. Bagkus, kinilala ng ICC ang pagkilala ng gobyerno ng Filipinas sa proseso ng ICC.

Iba ito sa mga nakalipas na pahayag ni Duterte na hindi niya kikilalanin ang ICC. Iba rin ito sa pahayag ng tuta ni Duterte na si Harry Roque na tanging ang hukuman ng Filipinas ang may karapatan na litisin si Duterte. Nais ni BBM na manatili si Duterte sa bansa para madali siyang madakip ng ICC.

Bukod diyan, may desisyon ang Korte Suprema noong 2021 na kinikilala ang pananagutan ng Filipinas sa panahon na kasaping-bansa ang Filipinas sa Rome Statute, ang tratado na bumubuo sa ICC. Hindi maaaring tumalikod ang Filipinas sa mga pananagutan sa panahon na kasaping bansa tayo sa ICC.

Alam ni Duterte na tagilid ang tsansa niya sa ilalim ng gobyerno ni BBM. Walang ginagawa si BBM upang pigilin ang ICC sa formal investigation kay Duterte. Walang utos sa DFA, DoJ, mga awtoridad sa immigration, paliparan, at daungan pang pigilin ang mga taga-ICC kung papasok sa bansa upang siyasatin ang tila baliw na dating pangulo.

Alam ni BBM na balewala ang lahat ng pinagpaguran niya kung hindi niya isusuko si Duterte. Hindi darating ang mga biyaya na ipinangako kung tumanggi siyang isuko si Duterte.

***

NAILIPAT na ang pangatlo at huling sakdal laban kay Leila de Lima, ang bilanggo ng budhi, sa sala ni Presiding Judge Gener Gito ng Muntinlupa City RTC Branch 206. Dalawang hukom ang umurong na litisin si de Lima – sina Romeo Buenaventura at Abraham Joseph Alcantara. Pangatlo si Gito na lilitis sa kaso.

May ibinaba na iskedyl ng paglilitis si Gito. Unang nilitis ni Gito ang kaso noong ika-1 ng Agosto. Muling lilitisin ang pangatlong kaso sa ika-11, 18, at 25 ng Setyembre at ika-16 ng Oktubre. Kinumpirma ni State Prosecutor Darwin Cañete na dadalo ang mga saksi ng gobyerno na pawang mga bilanggo na nahatulan na. Manggagaling sila sa Sablayan Penal Colony.

Batid ng buong mundo na pinag-initan lang ni Duterte si Leila. Ginamit na mga saksi ang mga kriminal. Maiging matapos na ang kaso at ang kabuktutan ng dating pangulo. Huwag sanang matakot si Gito. Wala na sa poder si Duterte at wala na siyang ipapangahas pa.

***

ISINUMITE ng Ehekutibo sa Kongreso ang P5.758 trilyon na panukalang pambansang budget para sa 2024. Kagyat na inumpisahan ng Kongreso ang pagdinig sa panukalang national budget. May mga nagtatanong kung ano ang saysay ng pambansang budget. Narito ang aking paliwanag:

“Many people hardly have an understanding of the national budget. Well, the national budget is the compendium – or summary – of our national policies. The national budget contains all major policies. We spend the most on education because it is our national policy to educate our people, especially the youth. We spend big amounts for health care because it’s our national policy to promote the health of our people.

“The increases and decreases in the budget of certain areas and issues indicate our priorities or increases and decreases of their importance in our public life. Budgetary insertions could mean virtual amendments of existing public policies. Hence, we have to keep a keen eye on the national budget. It is not an ordinary piece of legislation. It is not a mere list of state expenditures… It goes beyond the list of state expenses. Public policy is most important.”

***

MGA PILING SALITA: “The rich and the bandits get richer while the poor get food stamps.” – Alan Robles, journalist, critic, netizen

“The anarchy of mass media is preferable over its suppression. No matter how chaotic, the mass media is capable of correcting itself.” – PL, netizen

“Probably, the best description of FVR came from his niece Lila Shahani. ‘Uncle Eddie was a constitutionalist,’ she said. I agree.” – PL, netizen

“The presence of half-Pinoy athletes playing for the Philippine flag is something we have to live with for the next unspecified number of years. We must be thankful because we hardly have decent sports programs here to develop homegrown talents. Where’s the moolah to spend for their development? Your guess is as good as mine. The fact is that these foreign-based half-Pinoy athletes have learned, grew, and developed their sports skills and talents under the care of the sports mentors and support and guidance of sports programs of other countries. Their choice to play for us should make us happy. We’re reaping glory for something we didn’t spend. Nobody has the moral right to say a lot of things against them. You must be out of your mind.” – PL, netizen

The post KABADO SI DUTERTE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KABADO SI DUTERTE KABADO SI DUTERTE Reviewed by misfitgympal on Agosto 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.