Facebook

Mas mababa pang presyo ng kuryente sa Iloilo City asahan, Green energy agreement nilagdaan sa pagitan ng LGU, ERC at MORE Power

ISANG tripartite agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Energy Regulatory Commission(ERC), Iloilo City Government at More Electric and Power Corporation(MORE Power) na nagsusulong ng paggamit ng renewable energy resources na magbibigay daan sa pagbaba pa ng presyo ng kuryente.

Sa ilalim ng kasunduan ay mag-eestablisa ang MORE Power ng one-stop shop na nag-aalok ng renewable energy technologies gaya ng Net Metering at Distributed Energy Resources (DER) na maaaring pagpilian ng mga consumers.

Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Castro ang kasunduan sa pagitan ng ERC at Iloilo City ay bilang pagsuporta sa target ng pamahalaan na mabawasan ang greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng paggamit na ng renewable energy resources.

”One of the obligations under the agreement is to have a one-stop shop where applicants and interested parties can come. Our collaboration with the city government has been active for the past three years, and we warmly welcome the involvement of ERC. Being the first in the Visayas to enter into this agreement showcases our strong support for the government,” pahayag ni Castro.

Sinabi ni ERC Chairperson at CEO Atty. Monalisa Dimalanta na sa ilalim ng kasunduan ang ERC ang syang magbibigay ng technical at regulatory expertise, kabilang dito pagstreamline ng documentary submission, installation, payment at permitting processes ng Net-Metering at DER.

Palalakasin din ng ERC ang information drive para mas lalong tangkilikin ng mga electric consumers sa Iloilo City ang renewable energy.

Nabatid na ang Iloilo City ang ikalawa lamang sa mga pilot Local Government Unit partner ng ERC para sa Net-Metering at sa kanilang greater renewable energy program.

“We hope that other LGUs are similarly inspired to partner with national agencies to bring solutions closer to our people,”ani Dimalanta.

Sa panig ng LGU, hinimok ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga residente, partikular ang mga small businesses na lumipat na sa paggamit ng renewable energy para sa tiyak na pagbaba ng kanilang energy consumption.

Tiniyak din nito ang promosyon ng green practices sa Iloilo City sa pamamagitan ng paggamit pa ng solar panels.

“With this partnership, we aim to promote green practices, aligning with the national government’s targets. In Iloilo, our efforts include solar panels at the national high school, city hall, dialysis centers, and eye care facilities.” pahayag ni Treñas.

Sa inisyal na paglulunsad ng programa ay nasa 72 qualified users na ang naisyuhan ng Certificate of Compliance ng ERC para sa Net Metering Program sa Iloilo City at inaasahan na madaragdagan pa ito sa mga susunud na araw.

The post Mas mababa pang presyo ng kuryente sa Iloilo City asahan, Green energy agreement nilagdaan sa pagitan ng LGU, ERC at MORE Power appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mas mababa pang presyo ng kuryente sa Iloilo City asahan, Green energy agreement nilagdaan sa pagitan ng LGU, ERC at MORE Power Mas mababa pang presyo ng kuryente sa Iloilo City asahan, Green energy agreement nilagdaan sa pagitan ng LGU, ERC at MORE Power Reviewed by misfitgympal on Agosto 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.