Ni ARCHIE LIAO
Naging tampulan ng panunukso ang magkaparehang Rhen Escano at Jerome Ponce sa mediacon ng seryeng “Kung Hindi Tayo Sumuko.”
Katunayan, marami ang nakapansin na bagay sila at may chemistry.
Ayon naman kay Rhen, ayaw daw niyang seryosohin si Jerome kahit may mga panakaw na tingin ito sa kanya.
May imahe raw kasi itong mapanakit o mahilig mang-iwan ng dyowa.
Kumbaga sa ngayon ay nag-iingat daw siya dahil minsan na raw siyang sinaktan at iniwan kaya kung magfa-fall daw man daw siya uli sa isang guy, ang gusto niya iyong tipong mamahalin siya at kaya siyang ipaglaban.
Gayunpaman, ayaw daw naman niyang husgahan ang aktor.
Baka raw naman may matinding rason kung bakit nagagawa ito ng ka-partner in the past.
Hirit pa niya, bilang katrabaho, ang pagiging honest at walang filter daw ang mga katangiang nagustuhan niya kay Jerome.
Kung gagawin daw naman silang love team ng aktor ay okey lang sa kanya.
Tungkol naman sa emote niya noon na tila hindi siya nabibigyan ng tamang proyekto ng kanyang management, aniya, nagpapasalamat daw siya dahil napapansin na siya ngayon.
Sey pa niya, nagtitiwala raw siya sa pagplaplano ng Viva sa kanyang career.
“Di naman siguro sa part na parang di ako nakikita o di nila ako priority. Siguro, tanggap ko rin iyong realidad na ang dami po namin. So, ang daming talented na mga sikat. Siguro nandoon ako sa part na kailangan ko pang patunayan ang sarili ko. Ganoon naman talaga, kahit naman iyong mga artistang sikat na nilo-look up ko pinagdaanan din nila kung nasaan ako ngayon. So, parang it’s part of the process,” paliwanag niya.
Nilinaw din niya ang tsikang nagiging mapili na siya at ayaw na niyang magpaseksi.
“Wala namang masama sa pagpapaseksi. Kung maganda ang kuwento at isa siyang character piece na tipong pang-award, why not?,” aniya. “Right now, ayaw ko lang sayangin iyong mga ibinibigay sa aking opportunities,” dugtong niya.
Si Rhen at Jerome ay gumaganap na lovers na nasubok ang long distance relationship sa six part series na “Kung Hindi Tayo Sumuko” na palabas na sa Viva One simula sa Agosto 21.
The post Rhen ayaw seryosohin si Jerome, nang-iiwan ng dyowa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: