Facebook

PAGLAGO NG EKONOMIYA IBINIDA NG MALAKANYANG

IBINIDA ng MalacaƱang na pangunahin sa mga nagpalago ng ekonomiya ng bansa sa unang anim na buwan ng 2023 ay ang mataas na employment rate at panunumbalik ng turismo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maliban dito, ayon sa Presidential Communications Office (PCO), malaki rin ang naging kontribusyon ng dagdag-pamumuhunan at pagbabalik ng pisikal na klase sa mga paaralan.

Matatandaang sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), binanggit na lumago ng 4.3% ang gross domestic product (GDP) ng bansa ngayong second quarter ng kasalukuyan.

Sinusukat ng GDP ang kabuuang produksiyon ng produkto at kagalingang ekonomiko ng isang bansa.

Nabatid na sinasalamin din nito ang kabuuang halaga sa merkado ng mga produkto at serbisyong nalikha ng ekonomiya sa isang partikular na panahon. (Gilbert Perdez)

The post PAGLAGO NG EKONOMIYA IBINIDA NG MALAKANYANG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PAGLAGO NG EKONOMIYA IBINIDA NG MALAKANYANG PAGLAGO NG EKONOMIYA IBINIDA NG MALAKANYANG Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.