Facebook

Paolo tinawag na kapalmuks ng legit dabarkads

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGPATUTSADA na naman si Joey de Leon, na kahit hindi niya binanggit kung sino ang pinatatamaan niya ay halata naman na ang Eat Bulaga yun na produced ng TAPE, Incorporated.
Sabay kasi na nagkaroon ng selebrasyon ang Eat Bulaga nina Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar at Betong Sumaya sa GMA 7 at ang “E.A.T.” nina Tito, Vic & Joey at ng mga legit Dabarkads sa TV5, noong Sabado.
Ang Eat Bulaga ay para sa kanilang 44th anniversary. Ang E.A.T naman ay tinawag ng TVJ na “National Dabarkads Day” kasama ang kanilang co-hosts na sina Paolo Ballesteros, Allan K, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo, Jose Manalo at Wally Bayola.
Sabi nga ng tinaguriang Henyo Master na si Joey, sila lang daw ang show na pati ang katapat na programa sa ibang TV network ay nakiki-join sa kanilang selebrasyon.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng comedian-TV host ang litrato ng mga hosts ng “E.A.T.” kaugnay ng kanilang “National Dabarkads Day.”
“As of today, nadagdagan na naman ang mga network monikers and nicknames,” caption ni Joey sa kanyang IG post.
“Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS!” hirit pa niyang pang-ookray. Hindi naman niya tinukoy kung sinu-sino ang sinabihan niya ng “kapalmuks” o “kapal ng mukha.”
Hindi man binanggit ni Joey ang Eat Bulaga at ang mga bagong host nito, halatang sila naman ang pinatutungkulan niya.
Marami ang sumang-ayon kay Joey pero may kumontra rin naman at nagsabing tigilan na niya ang pagpaparinig kung hindi naman niya mabanggit ang pangalan ng mga ito.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizen sa patutsada ng daddy ni Keempee de Leon.
“Ang Tape GMA na inalisan nyo ay Bahay lamang. Kayo ang Tunay na TAHANAN.”
“Lumalaban pa ang mga kapalmuks hindi nlang ibigay ng kusa sa tvj ang eat bulaga sa kanila naman talaga nararapat ang titulong yan.”
“Tigas ng mga mukha ng fakebulaga! okay lang sana mag celebrate sila pero sana yun credits sa TVJ. sarap sabunutan ng mga tape ng loslost.”
“Yes Sobrang KAPALMUKS talaga Nila. Harapang pagnanakaw ang ginagawa nila.”
“Happy Anniversary TVJ and legit dabarkads! Kapalmuks talaga. Di na lng baguhin ang pangalan at ibigay sa inyo ang Eat Bulaga. Parang may ambag sila dun.”
“Nangunguna si Paolo Contis sa kapalmuks.”
“Korek ang kapalmuks mag speech eme.makapag yung paolo contis at yung writer kapal tlga ng fes San Banda yung 44 since 1979 wala naman ambag.”
“Kapalmuks talaga! May pa-press release pa si paolo na kapag nakita tvj yayakapin nya, pero panay basa sa idiot board nila na panira!”
“Sana maibalik na sa inyo yung title bago pa nila tuluyang babuyin. Kung baga sa babae binabalahura nila yung show. Si yorme naman di alam ang totoong meaning ng 2 joints. Pinasikat yung senyas tolongges din naman. Real recognize real. 2 joints di para sa lahat.”
“Work is work! Pero kahit madami po akong love sa naiwan niyo nananatiling Legit Dabarkads po ang pamilya namin.”

The post Paolo tinawag na kapalmuks ng legit dabarkads appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paolo tinawag na kapalmuks ng legit dabarkads Paolo tinawag na kapalmuks ng legit dabarkads Reviewed by misfitgympal on Agosto 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.