
Walang pagtatasa sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ngunit nagpahayag ang DepEd na kailangang maghabol ang mga mag-aaral sa bansa sa ngalan ng mga aralin. Naglabas ng kautusan ang DepEd mula sa sa Kalihim na ipatutupad ang “catch-up program” upang makahabol kuno ang mga mag-aaral sa mga aralin higit sa pagbabasa’t pagsusulat. Sa gagawing paghahabol, itutok ang programa na kailangan punuan ang pag-intindi sa binasa at nakapagsulat hinggil sa binasang aklat o istorya. Ang desenyong ng programa’y tila pag-amin ng DepEd na hindi natutukan ang kasanayan ng mga bata higit sa pagbabasa’t pagsusulat sa mga nakalipas na mga taon. Sa kakulangan ng pagtatasa, tila sinunod ang ”catch-up program” sa dating Home Reading Report (HRR) na ipinatutupad sa mga pribadong paaralan upang hasain ang mga mag-aaral sa pag-intindi maging ang pagsusulat ng sanaysay at paglalagom.
Maganda ang layon “catch-up program” ngunit kulang sa paghahanda higit sa hanay ng kaguruan na sangkatutak ang gawain ngunit ‘di makahabol ang usapin ng sahod. Bukod sa guro, walang bangit kung saan kukuha ng mga aklat na babasahin ng mga mag-aaral. Hindi malinaw sa pagpasok ng ikalawang linggo ng susunod na taon, kung susugod o susuko ang programa sa kawalan ng paghahanda. Nariyan na ba ang iba’t – ibang aklat na babasahin ayon sa interes ng mag-aaral na layon ng programa. O’ isusubo ang nais ng DepEd na babasahin na magtatali sa mga mag-aaral na sumusunod ng pamunuan ang ibig ng kagawaran upang makapasa. Hindi malinaw kung ano ang tunguhin ng “catch-up” o simula ito sa nais na pagbabalik ng pagpapapila’t pagmamartsa ng mga mag-aaral. Sa kawalan ng impormasyon hingil sa programa, ‘di mabatid ni Mang Juan ang tunay na layon ng Kagawaran sa dapat na kailangang habulin.
Muli, ang kawalan ng pagtatasa sa kakayahan ng mag-aaral sa kasalukuyan ang butas ng programa. At mas mainam na balikan ang sistema ng curriculum sa bansa ang unahin sa paglapat ng tamang programa para sa estudyante. Balikan ang ilang taong pagtigil ng mga mag-aaral sa paaralan at dito bumalangkas ng programang inilatag ng ‘di makitang bara-bara ang kilos ng kagawaran. Ginawa na ba ito ng kagawaran, na basehan sa ipapatupad na catch-up program. At kung nagawa mainam na ihanda ang kaguruan sa pagsabay sa “catch-up program” upang ‘di mabigla sa darating na taon. At inaasahan na aarmasan ang mga guro ng mga karagdagang kaalaman sa bawat darating na Academic Year (AY). At huwag kalimutan na umentuhan ang sahod ng mga guro sa susunod na mga AY. Sa mga pagbabagong ibig, inaasahan magiging makatotohanan ang nais na pagbabago o pag-unlad na ibig sa kagalingan ng mga bata’t kabataan, maging ng kaguruan.
Walang pagtutol sa panghihikayat na sanayin ang mga bata’t kabataan subalit mainam na maghanda ang lahat. Walang tutol sa magandang layon higit sa pakinabang ng bata’t kabataan na kinabukasan ng bayan. Ngunit kalimutan na ang paghahanda sa mga nagtuturo’y isang sangkap sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Ang may kahandaang guro sa anumang usapin ang maglalabas ng uri ng mag-aaral na may kapaki-pakinabang sa kinabukasan. Umaasa na sa catch-up program, iiwasan na maipasok ang sariling layon ng may ambisyon para sa susunod na panahon sa bayan. At umaasa na ‘di magamit ang bata’t kabataan para sa kinabukasan ng iilan. Walang pagtutol sa tama, ngunit ang matiyak na ‘di magamit ang oras at panahon ng mga bata’t kabataan ang dapat isa alang-alang ng taong bagsak ang moralidad sa pananaw ng bayan.
Maganda at panalo sa bumabagsak na popularidad ng sino mang ambisyoso ang “catch-up program” higit ang nanlalamig na kalagayang pampolitika ng kalihim ng DepEd. Hindi malaman ng grupo ng Inferior Dabaw Group kung paano ibabangon ang lugmok na kasikatan kuno ni Inday Siba sa tingin ng mamamayan. Malaki ang nilagpak ng grado nito sa mga ibig na opisyal ng bayan sa inilabas na survey. Silip ang negatibong resulta ng pagiging masiba sa salaping bayan ni Inday Siba kaya’t ‘di malaman kung anong programa ang magbabangon sa patay nitong kinabukasan sa politika. Ang masakit, nabuko at inilabas sa media at social media ang naturalesa sa pagiging masiba na pumatay sa ambisyon sa kinabukasan. Huwag mag-alala Inday Siba, tumaas ang kaalaman ni Mang Juan sa iyong pagiging buraot higit sa kaperahan ng bayan.
Sa lalabas ng programang “catch-up” ng DepEd umaasa na maaresto ang patay na kinabukasan at makakahabol sa katungaling si Waray Buot ng Kongreso. Sa totoo lang, patuloy na hinahabol ng IDG ang bumababang pagkilala kay Inday Siba bilang susunod na lider ng bansa. Ang patay na kinabukasan ay patuloy ginagawan ng paraan ngunit ‘di maalis ang batik ng CIF na ginawang ID kay Inday Siba. At sa kabila ng pag-ayaw kuno sa CIF, humihirit ang huli na ilagak sa isang bahagi ng kagawaran ang P650M CIF na gagamit kuno ng pondo. Ano ka balasador ng baraha na ililipat sa kaliwa o kanang kamay ang paghawak ng pondong ikaw din ang gagamit. Ano ka swerte? Sadya ang kasibaan ni Inday !
Hindi matatapos sa “catch-up program” ng DepEd ang pag-aaresto sa patay na kinabukasan ni Inday Siba, naglulunsad ng isang kilusan na DepEd Sara este “DepEnd Sara” na sinimulan kuno ng mga kaibigan at mga tagasunod ng abalang pangulo. Tunay na ‘di malaman kung paano pasisikatin ang palubog na araw ni Inday Siba. Sa totoo lang, walang kritiko si Inday Siba, ang gawang mali na ipinaalam sa madla’y sariling likhang o gawa ng abalang pangulo. Ang paghingi ng CIF na gagamitin kuno ng mga opisinang tangan ngunit wala sa mandato ang pakong nag selyo kamalasan sa larangang kinabibilangan. Walang dagdag bawas sa mga datos na nabatid ni Mang Juan, ang nalantad na kasibaan ni Inday sa pondong bayan ang hindi naikubli na dahilan sa lagapak na kinabukasan. At sa totoo lang, ‘di maipaliwanag ni Inday Siba kung paano nilustay ang P125M sa loob ng 11 araw. Gawin ang pagpapaliwanag ng makabangon sa delubyo ng kamalasan.
Sa paglulunsad ng DepEnd Sara, hindi maalis sa isip na serye ito ng “catch-up program” ng DepEd. Ipinaloob ang kilos bilang galaw ng mga kaibigan na sa labas pamahalaan at boluntaryo ang tindig. Habang ang pangalawa’y programa kagawaran na kinubli sa pagpapataas kuno ng kaalaman ng bata’t kabataan. Kaalaman kanino? Manipis ang takbo ng regla higit iisa ang ibig ibangon upang makabawi sa salang mga kilos. Hindi masisisi dahil batid ang kapurulan ng pag-iisip at ang tila prinsesang pag-uugali na ang salita’y ‘di mababali. Maaaring may ilang mabobola sa ilang pagkakataon ngunit ‘di ang nakakarami sa maraming pagkakataon. Ang pagtatali sa bata’t kabataan sa papalubog na araw ni Inday Siba ang lantad na kapurulan ng isip na tatak ng Inferior Dabaw Group. Muli, hindi ang mag-aaral ang dapat mag-habol kundi si Inday Siba na lusaw ang kinabukasan sa labis na kasakiman sa pondong bayan.
Maraming Salamat po!!!
The post HABOL MAG-AARAL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: