
Naging mainit na usapin ng mga miyembro ng Kamara ang isang “typographical error” na naganap sa isang kritikal na dokumento na galing sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Ayon reklamo ng mga residente ng VISTA REAL CLASSICA sa Quezon City, itong si Attorney Director ay masipag pumirma sa mga dokumento at minsan ay napalusutan.
Mula sa isang trusted source ng Usapang HAUZ na nasa DHSUD ang nag tip na may private investigation na nangyari sa naturang ahensya pagkatapos magreklamo ang VRC homeowners tungkol sa palsipikadong dokumento na nagmula sa DHSUD NCR OFFICE na pinamumunuan ni Attorney Director.
Ayon sa reklamo ng VRC Homeowners ang naturang departamento ay pinalitan ang PETSA ng isang HLURB Decision of Commissioners. Ito ay kritikal na dokumento na kailangan para sa applikasyon ng Certificate of Registration ng VRC HOA.
Ang COR ay katibayan na ang isang subdivision association ay masabing legal at legit.
Ang DHSUD ay isa sa mga paboritong ahensya ng ating Pangulong BBM para matupad ang kanyang 5.6 million homes Agenda na kasama sa kanyang unang SONA.
Ayon sa mga luhaang homeowners yung PAGKAKAMALI ni Attorney Director ng DHSUD ay nagdulot ng malaking sagabal at kalituhan sa kanilang COR application.
“It caused the agony of VRC HOA’s long-delayed application for registration.
Isang kritikal na dokumento ang nalagyan ng maling petsa na nagdulot ng ” undue delay” sa VRC HOA ‘s pending application for recognition at DHSUD,” pahayag ng homeowners.
It could be intentional or unintentional error committed by an official (or his subordinates) mandated to protect the interest of the innocent people ayon.” sabi pa ng homeowners.
Sa naturang dokumento napalitan ang katagang “May 03, 2012” para maging “03 MAY 2021” na petsa ng Decision ng HLURB Board of Commissioners.
Maaring ito ay hindi sinadya ng naturang opisina ng DHSUD, ngunit may mga haka-haka din na intentional ito ng gumawa ng Memorandum na may petsang January 17, 2023 para magkaroon ng Referendum ng walong (8) phases ng Vista Real Classica.
“The change of HLURB date from May 3, 2012 to May 2021 in the Memorandum to Conduct Referendum dated January 17, 2023 was made to shortcut the legal procedures of registering the VRC HOA,” ayon sa homeowners.
Ayon sa isang homeowner sa VRC, naka ilang ulit na syang nag request at sumulat kay Attorney Director para palitan ang maling petsa pero deadma lang daw ang nasabing opisyal.
“Bakit kaya?”
dumadagundong na tanong ng taong bayan!
“Ayaw sana namin isipin na ang sadyang pagpalit ng petsa ng HLURB decision ay isang SCAM para ma shortcut ang legal na proseso. Kaya dapat bigyan kami ng tamang sagot ng DHSUD,” ayun sa homeowners.
“If it is reflected nga naman na May 03 2021, the Law does not require VRC HOA to file a Petition for Revival of Judgement at Writ of Execution from HSAC anymore, before conducting a Referendum,” sabi pa ng homeowners.
Ito ang testimonya ng isa pang homeowner:
“Tinatanong ko sila (DHSUD) bakit nilagay nila 2021 instead na 2012 at bakit nga magpapa referendum ng wala pang Writ of Execution.
At kinwestyon ko rin sila bakit nila kami niloko na pinatawag for clarificatory conference ng Jan 24, 2023 e yon naman pla may Memorandum na ng Jan 17, 2023 at worst all set na talaga ang referendum ng Jan 28 dahil bago pa ang naturang conference ay meron na rin Vehicle Reservation Slip.”
Seryosong usapin ito na dapat sagutin ni Attorney Director dahil bihasa sya sa Rules of Procedures.
Maaring walang malisya sa pagkakamali ngunit malaking dagok ito sa pagka antala ng Registration Certificate ng naturang subdivision.
Kaya ang mga Ka Usapang HAUZ ay nananawagan kay Honorable Cong. Mary Mitzi Cajayon-Uy, baka naman pwede syang magpatawag ng isang investigation in aid of legislation para naman ma “good shot” sya sa mga taga Vista Real Classica!
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036
The post Panagawan sa DHSUD typo error nga ba o sinadya, May 03 2012 o 03 May 2021? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: