Bilang pagtugon sa PABAHAY PROGRAM ay isang milyong housing unit ang ipagagawa kada-taon sa 6-taon termino ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR sa pangangasiwa ni DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENT AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) SECRETARY JOSE RIZALINO ACUZAR.
Sa isinagawang ANNUAL MEDIA FORUM ng DHSUD ay inihayag ni SEC. ACUZAR na ang housing program ng kasalukuyang administrasyon ang siyang maituturing na “sustainable” dahil walang public funds ang gagastusin.., sa halip ay manggagaling sa PRIVATE STAKEHOLDERS tulad ng mga BANKO at FINANCIAL INSTITUTIONS para maipantustos sa nasabing proyekto.
Ang ating bansa ay may backlog na 6.5 milyong housing unit at sa pamamagitan ng NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) ay may kabuuang 6 milyon housing units ang maipagagawa hanggang taong 2028.
Sa naturang programa ng gobyerno ay kinilala ni SEC. ACUZAR ang kahalagahan ng MEDIA sa PAGBABALITA para maipabatid sa sambayanan ang mga impormasyong dapat malaman ng sangkatauhan.
— 000 —
MGA PAMILYANG NAIWANAN NG MGA YUMAONG UNIFORMED PERSONNEL NIREGALUHAN!
Bahagi sa pagpapadama ng malasakit ng mga kasalukuyang namumuno sa iba’t ibang ahensiya ngayon ng gobyerno ay niregaluhan ang pamipamilya ng mga namayapa o DECEASED UNIFORMED PERSONNEL mula sa hanay ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP), BUREAU OF FIRE PROTECTION (BFP), at ng BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY (BJMP).
Isinagawa ang programa sa NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO). CAMP BAGONG DIWA, HINIRANG HALL, BICUTAN, TAGUIG CITY na pinangangasiwaan ni REGIONAL DIRECTOR, MAJOR GENERAL JOSE MELENCIO CORPUZ NARTATEZ JR.., na dinaluhan ito nina SECRETARY OF INTERIOR ABD LOCAL GOVERNMENT ATTY. BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR; PNP CHIEF GEN. BENJAMIN ACORDA JR; BFP DIRECTOR LOUIE PURACAN; at BJMP DIRECTOR RUEL RIVERA.
Ang mga SPONSOR sa ipinamahaging mga regalo sa 200 physical attendees at 535 gift packs para sa VIRTUAL ATTENDEES ay kinabibilangan ng PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO); BJMP MUTUAL BENWFITS ASSOCIATION INC.; SM SUPERMALLS at ang DONATE PHILIPPINES.
Labis na kasayahan naman ang nadana ng mga nagsidalo na pawang pamipamilya ng mga DECEASED UNIFORMED PERSONNEL.., dahil hindi pa rin sila kinakaligtaan ng kasalukuyang mga opisyal ng gobyerno at kumikilala pa rin sa ibinahaging pagseserbisyo ng kanilang mga kapamilyang namatay na mula sa pagseserbisyo bilang PNP o BFP o BJMP.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.
The post 1 MILYON HOUSING UNIT PER YEAR IPAGAGAWA NG DHSUD! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: