Facebook

CIDG DIR. PMGEN CARAMAT JR., GASGAS KAY DARIO AT MAGSINO; RICHARD NG PNP R4-A!

MALAYONG masunod ng mga regional/provincial director at mga police chief sa buong bansa ang direktibang “No Take Policy” ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. lalo na sa CALABARZON habang may mga katulad nina Dario, Magsino at Richard na umo-orbit at nangongolekta ng protection money mula sa sangkaterbang ilegalista kahit sa panahon ng kapaskuhan sa limang probinsya ng naturang rehiyon.

Gasgas ang pangalan ng butihing Director ng Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) PMGen. Romeo Caramat Jr. sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon dahil sa kolek-tong activity ng “kapustahan” (police tong collector) na isang alyas Dario at ang sidekick nitong si alyas Magsino.

Bukod kay Dario at Magsino ay nag-iikot din ang retiradong pulis na si Sgt. Adlawan na nagpapakilalang “kapustahan” sa CIDG-RC; ex-Sgt Marcial ng CIDG Rizal, isa pang Richard ng CIDG-Quezon at Jeff na kapatid ng isang police major ang kolektor ng CIDG Batangas.

Maraming iba pang “kapustahan” ngunit sa kanilang lahat ay pinaka-astig sina Dario at Richard pagkat silang dalawa ang umaaktong lider ng mga tong o intelhencia kolektor. Si Dario ay sa CIDG Crame at si Richard ang umaaktong kolektor ng CIDG-Cavite at ng PNP Region 4-A. Maging ang mga pangalan ng “haosiao” at lehitimong media practitioner ay ikinokolekta nina Dario, Magsino at Richard ng protection money sa mga ilegelista sa CALABARZON.

Ang lingguhang payola mula sa mga operator ng Small Town Lottery con-jueteng o bookies, sakla, pergalan (perya at sugalan) at iba pang uri ng bawal na sugal, buriki, paihi, patulo at paawas ( pilferage) ng petroleum at oil product, illegal passenger van at terminal, illegal fishing, logging, mining, quarry at iba pang uri ng labag na aktibedades ay regular namang inereremit ni Dario sa “kapustahan” nitong opisyal ng CIDG-SOU, Camp Crame, para sa kanila namang bulsa ang sa media kuno.

Ang matindi pa kina Richard at Dario, halos lahat na PNP official mula sa tanggapan ni PNP Chief Acorda Jr. sa Camp Crame, pababa hanggang sa PNP Regional, Provincial director at mga police chief ay isinasangkalan din ang mga pangalan sa pangingikil sa mga iligalista sa buong rehiyon.

Balewala ang anumang raid na isinasagawa ng kapulisan, katulad ng nangyari bago magpasko sa permanente o puesto pijo na ala casino ng isang Glenda sa Brgy. Santiago sa bayan ng Malvar at Brgy. Pinagtong-olan, Lipa City pagkat hindi naman nakasuhan ang naturang vice maintainner.

Putok na nang isinasagawa ang raid ay nakatanggap ng tawag ang ilang opisyales ng Batangas at Region 4-A police office mula sa nagpapakilalang staff ng senado at “inarbor” kaya hindi inaresto at kinasuhan ang drug pusher ding si alyas Glenda, ang kanyang ilegalista ding mister at kalaguyong isang police captain.

Mahigit sa isang taon nang nag-ooperate ang mga ito ng illegal vices sa Brgy. Santiago sa bayan ng Malvar at kalahating taong pergalan (perya at sugalan) na may shabuhan at “bentahan ng aliw” sa Brgy. Pinagtong-olan, Lipa City. Matapos naman ang kunyaring “raid” ay ratsadang muli ang naturang pasugalan na may shabuhan at putahan.

Sina alyas Dario at Richard ang itinuturong siyang tumawag sa mga PNP official ng Region 4-A at Batangas at hindi staff ng senado, kaya ang ipinakulong at kinasuhan lamang sa prosecutors’ office gamit pa ay mga pekeng pangalan ng mga suspek sa isinumiteng complaint affidavit ng mga arresting officer mula sa Region 4-A.

Hindi din nila alam, ngunit umaalingasaw na din ang pangalan kapwa ni PMGen Caramat Jr. at PNP Chief Acorda Jr. sa pergalan nina Francia sa tapat ng Manuel Enverga University Foundation (MSEUF) sa Candelaria, Quezon Province; Wacky Bakla sa mga ng Brgy. Camastilisan, Calaca at Tulo; Taal; Jayson Bakla alyas Bakal sa Brgy. Sabang at Karen sa Brgy. San Guillermo parehong sa Lipa City; Nikki Bakla sa Brgy. Pagaspas at Liza sa Brgy. Ulango, kapwa sa Tanauan City; Arnold sa Brgy. Palico at Aris sa Brgy. Toong, kapwa sa bayan ng Tuy; Mallen sa Brgy. Looc at Efren sa Brgy. Balaytigue parehong sa bayan ng Nasugbo at maraming iba pa, pawang sa lalawigan ng Batangas.

Sa siyudad ni Tanauan City Mayor Sonny Collantes ay itinaas nina Dario at Richard ang “tara” sa mga STL con jueteng operator na sina Ocampo ng Brgy. Bagbag; Dimapilis at Ramil alyas Badoy ng Brgy. Altura; alyas Kon Burgos ng Brgy. Boot; Cristy ng Brgy. Suplang; Gerry ng Brgy. Balele; Melchor at Llanto ng Brgy. Tinurik; Kap Kabo Burgos ng Boot; Carandang ng Brgy. 3 at 25 iba pang mga STL con-jueteng maintainer pati na ang tig 15 sakla maintainer sa ibat ibang barangay ng Tanauan City at siyudad ng Sto. Tomas City

Si Richard ay nagpapakilalang driver bodyguard at business partner pa ni Cavite Provincial Director Col. Elieuterio Ricardo Jr. gamit din ni Richard ang mga pangalan ng ilang PNP Region 4-A official kaya napabuksan at sumusyo pa ito sa mga saklaan nina Hero at ng fake na NBI agent na si Elwyn sa mga bayan ng Amadeo, Noveleta at Maragondon pati na sa mga pasakla sa licensed cockpit doon; Jay sa bayan ng Ternate at Marycon ng Naic kung saan ay notoryus din itong shabu pusher.

Nagmamantine din ng STL con-jueteng sina Richard at Col. Bading kasosyo sina Melchor sa Bacoor City, Dasmarinas City, Maragondon, Naic at Cavite City; alyas Kap Abner sa Dasmarinas City at Nitang Kabayo na “Cavite STL con-Jueteng Queen” sa lahat na siyudad at bayan ng probinsya ni Cavite Gov. Junvic Remulla.

Sayang si PMGen. Caramat Jr., malaki pa naman ang tsansa nitong maging kapalit ni PNP Chief Acorda Jr. sa kanyang nakatakdang pagreretiro. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144

The post CIDG DIR. PMGEN CARAMAT JR., GASGAS KAY DARIO AT MAGSINO; RICHARD NG PNP R4-A! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CIDG DIR. PMGEN CARAMAT JR., GASGAS KAY DARIO AT MAGSINO; RICHARD NG PNP R4-A! CIDG DIR. PMGEN CARAMAT JR., GASGAS KAY DARIO AT MAGSINO; RICHARD NG PNP R4-A! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.