Facebook

7,400 NCRPO PERSONNEL, NAPASABAK SA ‘OPLAN BANTAY KALUSUGAN’

UMABOT sa 7,400 personnel ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nakitaan nang sobra sa timbang matapos ang paglulunsad ng ‘Oplan Bantay Kalusugan’ na idinaos noong Martes ( December 12 ) sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ayon kay NCRPO Regional Director PMGen Melencio Nartatez, ang matagumpay na simultaneous launching ng Oplan Bantay Kalusugan ay isa sa 5-focus agenda ni PNP Chief General Benjamin Acorda na tulungan ang lahat ng kapulisan na maging physically and mentally fit.

Sa pagtatasa ng ilang medical officers, karamihan sa mga dumalong police officers ay ‘overweight’ at napakataba kaya matapos na suriin ay isasailalim sila sa training program na inihanda ng Regional Learning and Doctorate Development Division (RLDDD) para sa ilang physical activity interventions.

Magkakaroon din ng psychological interventions para sa tuloy-tuloy na programa sa mga PNP personnel habang patuloy ang ilang programa nito ukol sa kalusugan na tiyak na makatutulong sa kanila.

Sinabi ni PLt Jumelle Cuyco, Operations Officer and PSMU Officer ng Regional Medical and Dental Unit -NCR, nasa 34 percent ng NCRPO personnel ang ‘overweight and obese’ kaya naalarma ang Regional Director dahilan upang magsagawa ng ganitong programa at malaman na rin kung meron silang mga karamdaman tulad ng diabetes o hypertension.

“ Bibigyan po namin sila ng medication after which magbibigay din po kami ng dietary intervention. So we will inviting counsellors from all over the region para po mapunta sa ibat-ibang district natin kasi to be honest meron lang po tayong dalawang dietician dito sa region and that includes me, so we cannot cater the entire 7,000 personnel, bibigyan natin sila ng mga meal plan.” ayon kay Cuyco

Idinagdag pa ni Cuyco na mayroong nirekomendang ‘bawas timbang’ base sa average na hinihingi ng Department of Health at hindi ito biglaan na pagpapayat sa mga pulis dahil 1 pound lang ang kailangang mabawas sa loob ng bawat linggo kung saan ang maximum weight loss ay 2 kilos per month.

Ang naturang programa ay upang tulungan din ang ating kapulisan na makapagsilbi ng maayos at hindi ‘unfit’ ang kanilang pangangatawan upang makakilos ng maayos partikular sa paghabol at paghuli sa mga kriminal. (JOJO SADIWA)

The post 7,400 NCRPO PERSONNEL, NAPASABAK SA ‘OPLAN BANTAY KALUSUGAN’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
7,400 NCRPO PERSONNEL, NAPASABAK SA ‘OPLAN BANTAY KALUSUGAN’ 7,400 NCRPO PERSONNEL, NAPASABAK SA ‘OPLAN BANTAY KALUSUGAN’ Reviewed by misfitgympal on Disyembre 12, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.