
NANINDIGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi palalawigin pa ang December 31 deadline para sa konsolidasyon ng mga operator ng pampasaherong sasakyan (PUV) matapos ang isang pulong kasama ang opisyal ng transportasyon.
Iginiit ni Pangulong Marcos na 70 porsyento ng mga operator ay nakapag-commit at nakapag-consolidate na sa ilalim ng PUV Modernization Program at hindi maaaring payagan ng gobyerno ang karagdagang pagkaantala sa implementasyon nito.
Sinabi ni PBBM na ang mga ganitong pagkaantala ay nakakaapekto sa karamihan ng mga operator ng PUV, mga bangko, institusyon ng pananalapi, at publiko.
Dagdag pa ng presidente, ang pagsunod sa kasalukuyang timeline ay nagbibigay kasiguruhan na ang lahat ay makikinabang sa buong operasyon ng modernisadong sistema ng pampasaherong transportasyon. (Gilbert Perdez)
The post DEC. 31 DEADLINE PARA SA PUV CONSOLIDATION, WALA NANG EXTENSION — PBBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: