Facebook

ANIM NA MILYON LANG NAMAN

MAHIGIT sa anim na milyong indibidwal na naapektuhan ng pamemeste ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ang natulungan at nakinabang na sa mga proyekto at programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Hindi ako ang nag-ulat niyan ha, kung di si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos noong Martes sa ika-5 anibersaryo ng NTF-ELCAC.

Ang sabi pa ni Abalos, ang DILG, bilang kasama sa NTF-ELCAC, ay patuloy na makiki-isa sa mga hangarin ng task force na mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao, lalo na yaong mga nasa malalayong lugar o’ ‘geographically isolated and disadvantaged areas’.

Naniniwala kasi ang NTF-ELCAC na ang paglalapit ng pamahalaan sa mga lugar na ito, lalo na sa mga kababayan nating nandoroon, ay makakapag-bigay ng kapayapaan at kaunlaran.

Ang DILG ay ganun na din ang ginagawa bilang kabilang sa task force, at sinisikap na ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF ay magbalik-loob na lamang sa pamahalaan upang umiral ang kapayapaan sa mga kanayunan at magbigay daan sa kaunlaran.

Sa limang taong pamamalagi at patuloy na paglilingkod ng NTF-ELCAC anim na milyong residente ng mga lugar na dati’y pinamumugaran ng mga komunistang-terorista ang nakinabang na sa 3,460 nakumpletong proyekto ng task force sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP). Inulit ko galing kay Abalos yan. Baka kasi sabihin niyong bias ako, dahil kabilang ako sa task force.

Ang sa akin lang naman, malaki ang nagawa at magagawa pa ng NTF-ELCAC, dahil gamit nga nito ang “whole-of-government” at “whole-of-nation” approach. Pamamaraan na lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay kasama ng task force sa paglalatag ng mga proyekto at programa sa mga kanayunan na pinuntirya ng CPP-NPA-NDF noon pang mga limang-dekada na nakararaan.

Pero, sa kabila ng pag-gamit ng ganitong paraan ng NTF-ELCAC ay nababatikos pa rin ito.

Ngayon ngang namumuo na naman ang usaping kapayapaan ay malalagay din sa alanganin ang task force. Pihadong hihingin ng CPP-NPA-NDF ang pagbubuwag rito kapag natuloy ang peace talks.

Hindi na ako mabibigla, pero manghihinayang ako sa anim na milyong Filipino na natulungan na ng NTF-ELCAC, balik na naman sila sa kalagayan, na pinepeste sila ng CPP-NPA-NDF.

The post ANIM NA MILYON LANG NAMAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ANIM NA MILYON LANG NAMAN ANIM NA MILYON LANG NAMAN Reviewed by misfitgympal on Disyembre 12, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.