Facebook

COLONEL BADING, RICHARD, BAGONG “KAPUSTAHAN” SA R4A!

MULI na namang sumingaw ang mga katiwalian sa kalakarang multi-billion vice payola sa CALABARZON area kasunod ng paglitaw ng “Colonel Bading-Richard Tandem” na siyang nabigyan ng basbas upang pangasiwaan ang kolek-tong raket sa rehiyon.

Pinalitan nina Col. Bading at Richard ang grupo ni Major Billy Joe na siyang “kapustahan” o namamahala ng koleksyon ng “lagay” mula sa mga ilegalistang financier ng STL con-jueteng, sakla, lotteng, pergalan (perya na may sugalan) smuggling, paihi, illegal quarry at logging, colorum van at illegal terminal at iba pang kailegalan at kalakalan ng droga sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Inaalam pa kung anong pambihirang galing o anting-anting mayroon itong si Col. Bading kung paano nakuha nito ang pamamahala sa tong collection at naging partner si Richard sa nasabing illegal activity na usap-usapan hindi lamang sa Region 4-A headquarter sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna kundi ganon din sa Camp Crame, Quezon City at maging sa mga police station sa buong CALABARZON.

Bulong ng police insider, ang hayagang pagtingin ni Col. Bading ang nagtulak na kunin ng butihing police official ang kanyang business partner na maging assistant at dummy sa paglikom ng PHP 10 milyon na hinihingi ng isang mataas na opisyal sa Camp Vicente Lim kada isang linggo, halos doble sa intelhencia noong panahon ni Major Billy Joe na lingguhang Php 6 milyon.

Sa Cavite, si Richard ang personal na kumokolekta at kasosyo sa saklaan na pinatatakbo ni Hero sa mga matataong lugar at tatlong lisensyadong cockpit sa Noveleta, Amadeo at Ternate at maging sa mga tupadahan. Si Hero na kilala ding drug pusher ay nagpapanggap na security aid ni Cavite Gov. Junvic Remulla kaya walang kaalam-alam ang gobernador na mabaho na pala pangalan nito sa kanyang mga kababayan.

May pasakla din sa bayan ng Naic si Richard at katiwala nito ang isa namang drug pusher na si alyas Marycon na nakapaglatag ultimong sa Poblacion at sa halos lahat na barangay ng nasabing munisipalidad.

Kolektor na ng intelhencia ay kasosyo din si Richard sa operasyon ng online bookies ni Melchor na kilala ding bagman sa Cavite ni Northern Luzon gambling icon Bong, pati kay alyas Kap Abner na maintainer ng STL con-jueteng sa Damarinas City at Nitang Kabayo ang “Cavite STL con-Jueteng Queen” na nag-ooperate sa lahat na siyudad at bayan ng probinsya ni Gov. Remulla.

Sina alyas Major Reyes at ang partner nitong CIDG official ang itinalaga ni Richard na kolektor ng intelhencia sa Batangas kaya’t parang lisensyado ang operasyon ng ala mini casino na pasugalan ng isang GLENDA at ng kalaguyo nitong police captain sa Brgy. Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Crestita Reyes at sa Brgy. Pinagtong-olan sa siyudad ni Lipa Mayor Eric Africa.

Gayunman nagrereklamo ang grupo nina Glenda at pergalistang sina alyas Jayson Bakla-Bakal sa Brgy. Antipolo del Sur; Charlie sa Brgy. Sampaguita, parehong sa Lipa City; Wacky sa Brgy. Salong, Calaca City at ang paihi king na si Dondon Alahas na nagkukuta sa Brgy. Calansayan sa bayan ni San Jose Mayor Bien Patron sa abot-langit na tong koleksyon na ipinataw sa kanila nina alyas Major Reyes at alyas Sobrebena.

Nagmukhang inutil naman sina Malvar Police Chief Capt. Melecio Calipjo at Lipa City Police Chief LtCol. Rix Villareal at iba pang hepe ng kapulisan ni Batangas PNP Provincial Director Samson B. Belmonte sa kawalan ng kakayahan ng mga itong umaksyon laban sa mga vice operation na prente din ng prostitution at bentahan ng shabu sa kanilang hurisdiksyon.

Ang tukayo namang si Richard ang itinalagang intelhencia kolektor nina Col. Bading-Richard tandem sa probinsya ni Quezon Gov. Angeline “Helen” Tan sa mga paihi maintainer na sina Troy sa Brgy. Salinas, Lucena City, Sammy sa Brgy. San Luis, Guinyangan, Quezon at maging sa 150 kataong illegal logger sa AOR ni Quezon PNP Provincial Director Col. Ledon Monte.

Sina Jap at alyas Sgt. Marcial naman ang itinatagang “kapustahan” nina Col. Bading at Richard sa lalawigan ni Gov. Rebecca “Nini” Ynares at regular na kumokoleta ng protection money kina Perya ng Bayan (PnB)-con jueteng financier alyas John Yap; Lotteng at STL-con jueteng operator Sola; pergalistang si alyas Boy Life at asawa nitong si Eve sa Riverside sa bayan ng Montalban at puesto pijo gambling maintainer na si Jose sa ground floor ng G Vibes Resto Bar, Rizal Ave., Brgy, San Isidro sa bayan ni Taytay Mayor Allan de Leon.

Ang mga kailegalang ito ay dedma lang kina Gov.Ynares, Rizal PNP Provincial Director Col. Felipe B. Maraggun at Taytay Police Chief LtCol. Gaylord Pagala at iba pang mga police chief sa naturang probinsya. Abangan kolektong sa Laguna…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144

The post COLONEL BADING, RICHARD, BAGONG “KAPUSTAHAN” SA R4A! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COLONEL BADING, RICHARD, BAGONG “KAPUSTAHAN” SA R4A! COLONEL BADING, RICHARD, BAGONG “KAPUSTAHAN” SA R4A! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 12, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.