Facebook

CASINO SA HARAP NG ENVERGA UNIVERSITY AT COL. BADING-RICHARD TANDEM!

NAKAPANLULUMONG isipin ang kalagayan ng mga estudyanteng nangangarap ng magandang kinabukasan kung wawasakin lamang ng salot na droga at mga ilegal na pasugal tulad ng nangyayari sa munisipalidad ng Candelaria, ang lalawigan ni Governor Angelina “Helen” Tan.

Dahil sa kapabayaan at pangungunsinte ng ilang mga government official, tulad nina Gov. Tan, PNP Provincial Director Col. Ledon Monte, Mayor George D. Suayan at Candelaria Police Chief LtCol. Bryan Merino ay nangyayari ang mapait na katotohanang ito sa naturang lugal.

Mahirap paniwalaan na walang kaalam-alam ang mga naturang government official sa kabulastugang ginagawa sa Candelaria ng gambling operator na kinilalang si alyas Francia na sikat din sa taguring “Pergalan at Drug Queen” ng Quezon Province.

Hindi maiaalis na pagsupetsahan na tumatanggap ang mga nabanggit na mga government official ng lingguhang intehencia mula sa mga drug/gambling operator sapagkat hindi maipaliwanag kung bakit tameme silang sawatain ang mga kabalbalan ng naturang babaing ilegalista at di nila magampanan ang kanilang mandato sa ilalim ng umiiral na batas?

Isang mini casino na pergalan (perya na pulos sugalan) ang nailatag nitong si Francia sa tapat ng Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), sa Maharlika Highway, Candelaria.

Nasa harapan lamang ng MSEUF ang mga ibat ibang sugalan na pwedeng pagpilian ng mga estudyanteng naiinganyong magsugal at makabibili na din ng shabu ang mga mag-aaral na nagugumon at adik sa droga na inilalako ng mga tauhan ng drug pusher din na si Madam Francia.

Hindi na nagtataka ang ating mga KASIKRETA sa di maayos na peace and order situation sa Candelaria at iba pang mga bayan at siyudad sa lalawigan ng Quezon. Hindi lamang ang mga tulad ng pasugalang ito ni Madam Francia ang inirereklamo ng mga residente ng Candelaria kundi pati na ang pagkakaroon ng mapanganib na operasyon ng paihian o burikian ng petroleum product ng isang alyas Amigo na nasa likod lamang ng Phoenix Gasoline Station sa Brgy. Malabanban Sur, sa nasabing bayan.

Bukod kay Amigo ay may paihian din ng CME Oil ang isang Troy sa Brgy. Salinas sa Lucena City. Ang CME Oil ay ang raw material sa paggawa ng edible oil o mantika na gamit sa pagluluto at kahit napakarumi ay naibebenta naman ni Troy sa mga di lisensyadong pagawaan ng edible oil sa ibat ibang panig ng Luzon.

Kapwa tuloy nagmumukhang inutil sina Candelaria Police Chief LtCol. Brian Merino at Lucena City Police Chief LtCol. Ruben Ballera dahil sa di masupil na kailigalang pinaggagawa nina Amigo at Troy. Epekto nito ay mga negatibong puna kay PD Col. Monte.

Alam halos ng madla ang motibo kung bakit inambus at tinangkang patayin, ngunit masuwerteng nabuhay si alyas Amigo kamakailan. Sa balikat lamang tinamaan ng bala ng .45 pistol si Amigo. Agawan sa pagpapatakbo ng nakaw na petroleum product ang iniulat ng ating police source kung bakit pilit na pinatatahimik itong si Amigo. Gayunman tila tanging sina LtCol. Merino at Quezon PNP PD Col. Monte lamang ang hindi nakaaalam o nakakakilala sa hitman ni Amigo at sa tunay na takbo ng mga pangyayari?

Hindi na nagtataka ang ating mga KASIKRETA sa talamak na operasyon nina Amigo at Troy sa Quezon Province, pagkat isang ex-mayor pa pala na nagpapakilalang alyado ni Mayor Suayan ang nagsu-suply ng Methanol ang likidong pambanto sa mga krudo at gasolinang ninanakaw ng mga kasabwat na tsuper nina Amigo sa kanilang mga minamanehong capsule at tanker truck.

Bawat litro na ninanakaw nina Amigo sa tanker at capsule truck ay binabantuan o hinahaluan din ng ganon kalaking kantidad na Methanol para magmukhang kumpleto pa rin ang kargamento ng mga naturang hauler truck. Kaya wala namang kamalay-malay ang mga company operator na pinagnanakawan na sila ng kanilang mga tauhan.

Ang CME oil naman na ipinananakaw ni Troy mula sa tanker sa mga oil mill sa Lucena City at Metro Manila ay ibinebenta sa mga di lisensyado o kolurom na pagawaan ng mantika sa Luzon. Sa bayan ng Guinyangan ay nag-ooperate din ng paihian o burikian sa Brgy. San Luis ang magkasosyong Sammy at Alfred, samantalang protektado naman ng ilang mga pulis ang puesto pijo na pasugalan ng isang Glenda sa Brgy. Santiago sa bayan ng Malvar at Brgy. Pinagtong-olan Lipa City.

Di naman matinag ang mga ito nina Malvar Police Chief Capt. Nemecio Calipjo at Lipa City Police Chief LtCol. Rix Villarial. Bukod sa almusal, tanghalian, hapunan at libreng meryenda ay ipinagyayabang ng drug pusher na si Glenda na may weekly intelhencia ito para sa tanggapan ni Batangas PNP Provincial Director Col. Samson Belmonte at Batangas CIDG Provincial Officer LtCol. Victor Sobrepeòa?

Lahat na kailigalan sa CALABARZON ay pinakokolektahan ng weekly intelhencia ng “kapustahan” (police tong kolektor) na tandem nina Col. Bading-Richard gamit na panakot ang pangalan ng tanggapan ng CIDG at Quezon Provincial Police Office. Kaya marahil di umaaksyon sina PD Monte at CIDG Provincial Officer LtCol. Jeffrey Fallar?

Naunang pinabuksan at sinosyohan pa nina Col. Bading at Richard ang mga sakla operator sa lalawigan ng Cavite na sina Hero at fake NBI agent na isang Elwyn sa mga bayan ng Amadeo, Noveleta at Maragondon; isang Jay sa Ternate at Marycon na sikat ding drug pusher sa bayan ng Naic. May karugtong.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144

The post CASINO SA HARAP NG ENVERGA UNIVERSITY AT COL. BADING-RICHARD TANDEM! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CASINO SA HARAP NG ENVERGA UNIVERSITY AT COL. BADING-RICHARD TANDEM! CASINO SA HARAP NG ENVERGA UNIVERSITY AT COL. BADING-RICHARD TANDEM! Reviewed by misfitgympal on Disyembre 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.