IKINAGALAK ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pag-sangayon ng Kongreso sa pagpoproklama ni Pangulong Bong Bong Marcos ng pagbibigay ng amnestiya para sa mga rebelde.
“Landmark concurrence” nga ang pagkakapasa at pagpapahayag ng House of Representatives sa House Concurrent Resolutions (HCR) 19, 20, 21, and 22 nito sa Presidential amnesty proclamations ni PBBM.
Ang hakbanging ito ng Kamara tungo sa pagkaka-isa at ‘societal healing’ ay patunay na ang Administrasyong Marcos ay sinserong nakatuon sa pagtataguyod ng tunay na kapayapaan at nation-building.
Ang desisyon yan ni PBBM na mailapit ang pamahalaan sa mga grupo ng rebelde katulad ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), ay pagpapakita ng pagsisikap ng pamahalaan na kalimutan na ang mga hidwaan at magka-isa para sa masaganang kinabukasan.
Sana naman sa ganitong postura ni PBBM ay makisama na ang lahat maging mga grupo ng rebelde mapa-tetorista na ang mga ito o’ sadyang mga bandidong lamang, nang sa gayon, ang mga ordinaryong Juan at Juana na tulad ko ay makatikim naman ng katahimikan at magkaroon ng pag-asa na sa mga darating na panahon ay guminhawa din ang mga buhay.
Tulad ng NTF ELCAC, ako din ay umaasa na matatapos din ang pagmamarakulyo ng mga rebeldeng ito, upang mailatag pa ang mga tamang programa para sa ika-aangat ng mga mahihirap na gaya ko at ng nakararaming Filipino.
Walang maidudulot na kaginhawahan ang kaguluhan. Dapat ay magsama-sama tayong lahat na iangat ang kalagayan ng bansa, na dati’y pumapaimbabaw na, subalit nabalam dahil sa mga nagsuluptang rebel groups na wala din namang naitulong kung di lalong naghirap ang bansa na sana ngayon ay masaganang-masagana na.
Ang pag-aalok ng amnestiya ni PBBM ay una nating hakbang tungo sa pagkaka-isa para sa kapayapaan at kaunlaran.
The post KONGRESO SUMANG-AYON KAY PBBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: