
HITIK na hitik sa kailegalan ang lalawigan ni Laguna Governor Ramil Hernandez, ayon sa mga ulat sinasabing ang probinsyang ito na bahagi ng CALABARZON ay may malalang suliranin sa sitwasyong pangkatahimikan at kaayusan sa mga lalawigang nasa hurisdiksyon ni PNP Region 4-A Director PBGen Paul Kenneth Lucas.
Kinukunsidera na ang naturang lalawigan ay ang vice at crime capital ng rehiyon sapagkat lalo pang naging grabe ang sitwasyon dito sa ilang buwan nang inilagi sa puwesto ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr.
Sa ginawang pagpapalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. ng tour of duty (TOR) ng heneral ay tila lalong pang lumabo na muling makabangon sa pagkakasadlak mula sa pangit na imahe ang Pambansang Kapulisan kung hindi gagawa ng karampatang hakbang ang butihing heneral lalo pa’t marami sa mga opisyales nito ay nasasangkot sa krimen at katiwalian.
Kapuna-puna din na sa halip na mabawasan ay lalong sumigla ang kalakalan ng droga, illegal vices at iba pang krimen sa Laguna simula nang mahirang si Col. Harold Depositar bilang PNP Provincial Director.
Bago naluklok na Laguna PD si Col. Depositar ay naging police chief ito sa naturang lalawigan, kaya’t inakala ng mga mamamayan na magiging tagapagligtas ito, ngunit kabaligtaran ang nangyari pagkat sa halip na malipol ay lalo pang nagpiyesta at dumami ang illegal drug, gambling, paihi operation at iba pang sindikato sa naturang probinsya.
Ang nakadidismaya pa kasunod ng pag-upo sa pwesto ni Col. Depositar ay parang singaw na sumulpot ang grupo ng isang alyas Jowel Kwento na nagpakilalang sugo ng tanggapan ng Laguna PNPO upang pangasiwaan ang pagpapatakbo ng lahat na ilegal na nag-ooperate sa Laguna.
Parang napako sa krus ang mga mamamayan ng Laguna, pagkat hindi pa gaanong natatagalang umaaktong “kapustahan” (police tong collector) ang grupo ng isang alias Jowel Kwento ay sumulpot naman ang isang alyas Tose at nagpakilalang bagong bagman ng tanggapan ni Laguna PPO.
Si Tose ang kinikilalang pinakama-maimpluwensyang drug/gambling lord sa Laguna ay nagyayabang din na bagong “kapustahan” ng tanggapan nina PNP Region 4-A Paul Kenneth Lucas at Col. Depositar. Liban sa nagpapatakbo ng STL con -jueteng ay enkargado din ito ng 25 iba pang vices financier na nag-ooperate ng Small Town Lottery (STL) con-jueteng sa lahat na mga siyudad at bayan sa Laguna.
Nagulo ang “tabakuhan” sa pag-arangkada ng tong koleksyon ni Tose pagkat bilang bagong kapustahan dinoble nito ang lingguhang tongpats, tara o intelhencia sa mga kapwa nito ilegalistang sina Areza ng bayan ng Sta Cruz; Edward ng bayan ng Bay; Tita- Cabuyao at Calamba City; Osel- Calauang; Amante- San Pablo City; Timmy-Aluminus, Narcarlan, Liliw at San Pablo City; Orlan-San Pablo City; Jayson-Siniloan, Sta Cruz, Pagsanjan at Sta Maria; Pinky-Mahayhay at San Pablo City; ex-police Eborra-Sta Rosa at Binan; Nico- Binan City, Manguiat-Calamba City; Kon Robert- Calauang; Mayang-Binan City; Vener at Bong- Rizal; Baretto- Binan City, Sta Rosa City at Cabuyao City; Angke at iba pa.
Para mapabilib ang kanyang mga “kapustahang” PNP official sa Camp Vicente Lim at Laguna PNP ay pinalobo din ni Tose ang weekly intelhencia ng mga sakla operator na sina Bong, maintainer sa Sta. Rosa, Cabuyao, Binan at Calamba, mga bayan ng Victoria, Los Banos, Rizal at iba pang sakla operator na sina Oruga; Jayson; Joan; Robert; Lady Rose; Castillo; Ronnie ; Junjun; Leviste; Katimban;, Jenny at Bong. Pati mga maintainer ng puesto pijo na sugalan kabilang ang sa Target Mall, Sta Rosa City, Binan City at Cabuyao City ay pinalaki din ni Tose.
Maging ang mga operator ng paihian sa likod ng Yakult Philippines, dating warehouse ng San Miguel Corporation sa Brgy. Makiling, Brgy. Turbina at Brgy. Paciano at Silangan Exit, pawang sa Calamba City at Brgy. Banlic, Cabuyao City ay naging doble din ang lingguhang suhol sa Camp Vicente Lim PNP Headquarter at Laguna PPO.
Kapalit ng abot-langit na intelhencia na ikinasa ni Tose para sa amo nito sa Camp Vicente Lim at Laguna PPO ay malayang nakapagnanakaw ang mga tsuper at pahinante ng mga tanker truck ng petroleum product at edible oil mula sa kargamento ng kanilang operator at ibinebenta sa mga kakutsabang paihi o buriki operator sa Laguna na sina Ador, Ramer at mga kapatid nito.
Pati na ang iligal na paradahan ng Nofrada Gang sa Brgy. Makiling Highway, Calamba City ay “pasok” din kay Tose kaya’t “inimbudo” at sinala nito (Tose) ang mga inetelhencia para sa kanyang kakutsabang mga police official. Ito kaya ang dahilan kung bakit nganga lang dito sina PBGen Lucas, Col. Depositar at mga police chief sa naturang lalawigan?
Kailangang patunayan ni PGen. Lucas at mga provincial director sa CALABARZON kay PDGen. Acorda Jr. na hindi sila inutil laban sa talamak na mga vice operation at iba pang kailegalan sa Region 4-A!
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144
The post HINDI INUTIL SA VICE OPS SA R4-A, DAPAT PATUNAYAN NI BGEN. LUCAS! (Part 3) appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: