
Ni ROMMEL GONZALES
HINDI na big deal ngayon kung babae o lalaki o bakla o tomboy ang isang artista.
Tanggap na tanggap na ang mga member ng LGBTQ+ community, tulad nina Michelle Marquez Dee at Klea Pineda na mga umaming lesbian, si Rikki Mae Davao na anak nina Ricky Davao at Jackielou Blanco ay out and proud LGBTQ+ member.
Nasa high school si Rikki Mae noong sabay niyang kinausap sina Jackielou at Ricky tungkol dito
Lahad ni Rikki Mae, “Medyo sabay pero nauna lang si Mama ng konti.
“When I told both of them wala naman talagang isyu.
“Thankfully! Hindi naman ako initsa-puwera or pinagalitan or what. Siyempre may getting used to certain ano lang. Pero wala naman pong naging main issue or nag-away kami or something.”
Wala raw dramahan, sigawan at iyakan na naganap sa pag-amin ni Rikki Mae na tomboy siya.
“Buti na lang. Baka sa mga show ko in the future iyon yung puwede maging theme,” at tumawa si Rikki Mae, “pero in real life thankfully wala.”
Pero hindi rin naman daw as in smooth-sailing ang senaryo noon.
“Actually hindi naman sa walang problema, meron namang having to get used to it, or may mga questions na baka, some things na hindi pa nila maintindihan or naa-accept completely.
“Pero open communication kasi siya e, so it took a couple of years to really be like… wala ng awkwardness, yung, ‘Oh, this is my partner.’
“It took a couple of years din to really be like, very comfortable na ganun,” pahayag pa ni Rikki Mae na alaga na ngayon ni Rams David ng Artist Circle Talent Management Services.
Si Shyr Valdez, na alaga rin ni Rams, ang nag-mediate para makapasok si Rikki Mae sa ahensiya ni Rams.
Sa acting at hosting nais malinya ni Rikki Mae; mahusay na host si Jackielou sa mga shows noon ni German ‘Kuya Germs’ Moreno at isa ring mahusay na aktres sa mga pelikula ng Viva Films.
Si Ricky naman ay magaling na direktor at multi- awarded actor din.
***
PINAG-uusapan ang papel bilang mayamang binata na naging kolboy ni Kimson Tan sa Lovers/Liars.
Saad ng Sparkle male artist, “Oo, kaya it was challenging, kasi siyempre bawat customer mo iba yung atake mong kailangan e, kasi you need funds, you need money.”
Pagdidiin pa Kimson, wala siyang anumang against sa mga lalaking sa tunay na buhay ay nagbebenta ng katawan at aliw.
“Sa totoo lang po, honestly, pinag-uusapan namin ni Tito Joey [Abacan ng GMA] iyan minsan, sabi ko ako I don’t have anything against them, kasi I respect their hustle, I respect their grind in life.
Pagpapatuloy pa ni Kimson, “And sabi ko nga lagi, no matter what path you’re going through in life, kung ano man yung ginagawa mo, as long as you’re not stepping on other people, I don’t see any wrong in what you do.
“That’s why I respect the LGBTQ communities, nag-BL ako, kaya sabi ko kumbaga sa ganung bagay I don’t have anything…”
Ang BL o Boys’ Love project ni kimson dati ay ang “In Between”.
At hindi na kami nagulat na malaman mula mismo kay Kimson na maraming beses na siyang naligawan ng bading sa totoong buhay.
Pero sorry na lang sa mga nagnanasa kay Kimson, friendship lamang ang kaya niyang ipagkaloob sa mga bading, hindi ang kanyang pagkalalaki.
Si Kimson ay si Kelvin Chong sa Lovers/Liars.
Bida rito si Claudine Barretto bilang Via Laurente sa Lovers/Liars at nasa cast din sina Shaira Diaz bilang Nika Aquino, Lianne Valentin bilang Hannah Salalac; Polo Ravales bilang Ronnie San Diego, Rob Gomez bilang Joseph Mentiroso, Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea Segreto at Yasser Marta bilang Caloy.
Sa direksyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV.
The post Mana nga sa parents na sina Ricky at Jackielou… Rikki Mae type malinya sa acting at hosting appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: