Facebook

LUMABAS ANG TOTOONG KULAY NILA MANUEL, CULLAMAT AT ELAGO

NOONG November 29, 2023 sa Senate Committee on Public Order and and Dangerous Drugs hearing na pinamumunuan ni Sentor Ronald Dela Rosa nabunyag ang kaugnayan at kulay ng Makabayan Bloc, kabilang sina Eufemia Cullamat, Sarah Elago, at Raoul Manuel – mga pula pala ang mga ito.

Ang senate hearing ay tungkol sa patuloy na pagtatangka ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) na maagaw ang ating mga kabataang mag-aaral sa mga unibersidad at kolehiyo pati na ang mga out of school youth’ at maisama sa kanilang kilusan.

Dumalo rito si National Youth Commission Chairperson Ronald Cardema at iba pang representatives ng mga ahensiyang may kinalaman sa isyu, kabilang na ang mga dating rebeldeng sumuko at nagbalik-loob na sa pamahalaan.

Dito inilahad ng mga dating CPP-NPA-NDF members na ang mga Makabayan Bloc members na nabanggit ay talagang may kaugnayan sa kanilang kilusan at talagang may kinalaman sa pagrerecruit ng mga kabataan para maisali at bandang huli ay maging NPA fighters.

Nang malaman ni Senator “Bato” dela Rosa ang mga bagay na ito, nangako ang mambabatas na gagawin niya ang lahat, para mahubaran ng kapangyarihan ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso, lalo na itong si Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.

Inginuso din mismo si Manuel nila dating CPP-NPA members na sina Arian Jane Ramos at Kate Raca bilang mga testigo sa hearing at sinabing si Rep. Raoul Manuel ay “talagang” miyembro ng CPP at may kinalaman sa mga pagrerecruit ng mga kabataan para maging NPA.

Maaaring kaunti pa lamang ang nakaka-alam nito, pero ang mga mismong magulang ng mga tumestigo at yaong mga kasalukuyang nawawala pa ang mga anak ay alam na alam na ito.

Ang mga Partylist na miyembro ng Makabayan ay alam na alam ng mga magulang na hanggang sa ngayon ay naghihinagpis ang mga kalooban dahil nawalan ng saysay ang kanilang mga paghihirap na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak sa pagpapa-aral sa mga ito.

Sino nga ba ang di maiinis kapag narinig mong ang iyong inaasahang mambabatas na ang tungkulin ay gumawa ng mga batas para sa ikabubuti ng lahat ay siya pang nangunguna sa pagrerecruit ng mga kabataan para maisali sa kilusang wala naman tamang ipinaglalabang.

Gaya ni Sen. Bato, di rin ako titigil sa pakikipag-laban hangga’t may mga komunistang-terorista sa ating bayan.

The post LUMABAS ANG TOTOONG KULAY NILA MANUEL, CULLAMAT AT ELAGO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LUMABAS ANG TOTOONG KULAY NILA MANUEL, CULLAMAT AT ELAGO LUMABAS ANG TOTOONG KULAY NILA MANUEL, CULLAMAT AT ELAGO Reviewed by misfitgympal on Disyembre 04, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.