
NAGPAHAYAG ang ating Bise-Presidente Sara Duterte noong Lunes ng kanyang pagtutol sa desisyon ng Administrasyong Marcos na maaaring muli buksan ang usapang kapayapaan.
Inilarawan ni VP Inday Sara na ang muling pagpasok ng pamahalaan sa kasunduang magkaroon ng peace talk ay “agreement with the devil.”
Nakipag-kasunduan muli ang pamahalaan kay Satanas, ang linyada ng ating Bise-Presidente. Itinuturing niyang demonyo ang kakausapin ng pamahalaan para sa kapayapaan.
Kakaiba ang linyada ni Inday Sara, sa kauna-unahang pagkakataon maanghang ang kanyang pagtutol sa posisyon ng Administrasyong kanyang kinabibilangan.
Nakakatunog kasi marahil ang Bise-Presidente na dadaanin na naman sa panglilinlang ng CPP-NPA-NDF ang peace talk. O’ maari ngang alam na alam na ito ni Inday Sara, na mga sinungaling at halang ang mga kaluluwa ng mga komunistang-terorista.
Mga demonyo ang turing niya sa mga ito. Maaaring may karanasan na si Inday Sara sa pakikipag-usap sa mga CPP-NPA-NDF, kaya ganito ang kanyang linyada. Di naman malayo dahil kinulapol din ng CPP-NPA-NDF ang Davao.
May punto naman si Inday Sara, dahil sa nakaraang anim na taon nang panunungkulan ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sinikap nitong tapusin ang paghari-harian ng mga komunistang-terorista. Ngunit kinapos nga lang ng panahon.
Pero sa anim na taon na iyon, nanga-unti ang CPP-NPA-NDF, at ang mga dating sumusuporta sa mga ito sa mga kanayunan ay nagbalik-loob na sa pamahalaan at nabiyayaan pa ng konting kagaangan sa pamumuhay.
May Punto rin si Inday Sara dahil mahigit apatnapung libong Filipino na ang napatay sa pakikipag-laban nating ito sa CPP-NPA-NDF, sa loob ng kalahating century na ang itinagal.
2017 nang tanggihan na ng Administrasyong Duterte ang usapang pangkapayapaan, dahil napatunayan nang di tumutupad sa kasunduang ang mga CPP-NPA-NDF. Ginagamit lamang ng mga ito ang peace talk para linlangin ang publiko at gobyerno.
Mabigat man ang linyada ni Inday Sara, para sa akin may punto siya.
The post MABIGAT NA LINYADA NI SARA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: