
Tatlo’t kalahating dekada na ang lumilipas mula nang maisabatas ang COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP) upang mabigyang asenso naman ang mga nagsasaka ng lupa.., subalit nganga pa rin ang mga magsasaka sa dalawang bayan ng PALAWAN dahil ang 9,000 ektarya ay sinolo ng ANGKAN ni DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) SECRETARY MA. ANTONIA YULO-LOYZAGA upang maging alipin ang mga pobreng magsasaka.
Malaking bentahe dapat sa isinusulong na programang sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat ang pagkakaroon ng lupang pagtatamnan sa malaking bahagi ng bansa…, lalo pa’t yan mismo ang layunin ng CARP.., yun nga lang ay tila walang balak salingin ng gobyerno ang malawak na lupain ng ANGKAN ni ENVIRONMENT SEC. YULO-LOYZAGA.
Mga ka-ARYA.., buwan ng Pebrero taong 2019 nang lagdaan ni FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang EXECUTIVE ORDER 75 na inakalang magbibigay-daan sa ganap na pamamahagi ng lupang sakahan sa mga pag-aari ng pamahalaan.
Gayunpaman, usad-pagong ang programang reporma sa agraryo dahil sa masalimuot na proseso ng CARP, bukod pa sa bantulot ang iba pang mga katuwang na ahensya na isalin ang titulo ng lupa sa kustodiya ng DEPARTMENT IF AGRARIAN REFORM (DAR).
Bago pa man nilagdaan ni DUTERTE ang EO 75.., nagsasagawa na ng imbentaryo ang DAR sa mga lupang pag-aari ng pamahalaan – kabilang ang 9,000 ektaryang sakop ng YULO KING RANCH (YKR) na bumabaybay sa mga bayan ng BUSUANGA at CORON sa PALAWAN.
Noong taong 2014 ay naglabas na ng desisyon ang SUPREME COURT (SC) hinggil sa tunay na nagmamay-ari ng malawak na lupa sa PALAWAN.., at malinaw ang desisyon ng SC na ang lupang inaangkin ng YULO-LOYZAGA CLAN ay pag-aari ng gobyerno.., ika nga, hindi pag-aari ng YULO FAMILY ang buong 9,000 ektarya sa 2 bayan ng PALAWAN.
Ngayong administrasyon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay ipinagkatiwala niya kay DAR SECRETARY CONRADO ESTRELLA III ang trabaho para isulong ang CARP.
Kamakailan lang naman ay ibinida ni ESTRELLA ang aniya’y kanilang pinaigting na paghahanap ng mas marami pang lupang-gobyerno na pwedeng ipamahagi sa mga magsasakang walang sariling sakahan.
Batay sa pinakahuling datos ng DAR, may natukoy na silang 52,000-ektarya na swak pagtaniman ng mga magsasaka.., at ayon pa kay ESTRELLA ay muling binuhay ang DAR VALIDATION COMMITTEE (DVC) at DVC SECRETARIAT na binubuo ng TECHNICAL, LEGAL, SURVEY at ADMINISTRATIVE EXPERTS.
Utos ni ESTRELLA – resolbahin ang usapin sa masalimuot na proseso para sa wasto at mabilis na pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.
Pero ang nakapagtataka, parang wala namang plano ang gobyerno na salingin angYULO FAMILY na umaangkin sa 9,000-ektaryang hacienda sa dalawang bayan ng PALAWAN.
Ano nga ba ang pumipigil sa DAR na ipamahagi sa 786 magsasaka ang 900-ektarya na lupang sakop ng YKR na pilit inaangkin ng mga ANGKAN ni SEC. YULO-LOYZAGA.., na iyan ay sa bayan pa lamang ng BUSUANGA.
Para maisakatuparan ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, kailangang pumirma sa isang kasunduan ang DAR at ang DENR na pinangangasiwaan ngayon ni ENVIRONMENT SEC. YULO-LOYZAGA. ., yun nga lang ay walang indikasyong ipagalaw o ipamahagi ang YKR sa mga magsasaka ang libo-libong ektaryang lupa na isinusulong ng gobyerno.., na dapat sana’y laan para sa AGRARIAN REFORM PROGRAM.
Duda tuloy ang FARMER SECTORS sa katayuan ni SEC. YULO-LOYZAGA kung siya ba ay kaisa sa programang repormang agraryo o magsisilbing protector para sa kapakanan ng YULO CLAN?
Ang punto ng ARYA.., panahon na siguro na magpairal ng batas para sa limitasyong mag-ari ng lupain.., libong ektaryang lupain ay kalabisan na sigurong ariin ng isang angkan.., na maaring ilimita lang marahil ang hanggang 500 ektaryang lupain ang maipagkaloob sa mga bilyonaryo sa ating bansa!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.
The post MGA MAGSASAKA SA PALAWAN ALIPIN NG ANGKAN NI DENR SECRETARY? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: