
LUMABAS na sa imprenta ang aking aklat. Ang pamagat: “Kill Kill Kill Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte Et Al.” Ito ang una sa tatlong aklat na nakalinya kong tapusin hanggang sa susunod na taon. Layunin ng aking aklat na idokumento ang marahas at madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi upang hindi na maulit ang madilim na kabanata sa ating kasaysayan.
Dalawang taon isinulat ang aklat. Noong kasagsagan ng lockdown, tumambad sa akin ang katotohanan tungkol sa digmaan kontra droga ni Gongdi. Hindi napigil ni Gongdi na itago na hindi digmaan kontra droga ang kanyang programa kundi digmaan laban sa mga marurumi ang paa, o mga mahihirap. Isinulat ko sa isang aklat ang lahat-lahat tungkol sa digmaan kontra droga ng tila nabaliw na dating alkalde ng Davao City.
Sa tulong ng isang natatanging kaibigan, natapos ko ang aklat. Hindi nangahas ang aking aklat ng magbigay ng mga solusyon sa usapin ng droga o mangaral na parang pari sa pulpito. Akin isiniwalat ang maraming detalye sa giyera kontra droga ni Gongdi. Binigyan ko ng kaukulang pansin ang sakdal na crimes against humanity na magkahiwalay na inihain ni Sonny Trillanes at Gary Alejano, National Union of People’s Lawyers (NUPL),Rise Up for Life, IDEALs, at iba pa sa International Criminal Court (ICC), ang pandaigdigang hukuman na binuo ng Rome Statute.
Pinagtiyagaan kong galugarin ang isyu ng droga, ang epekto sa lipunan, at ang sakdal na dinala sa ICC. Hindi ako nangimi na talakayin ang isyu sa kabuuan at sabihin ng tahasan na isa itong malaking kabiguan. Walang nangyari sa digmaan kontra droga ni Gongdi kundi patayin ang mga pinaghihinalaang adik at user ng droga at pilayin ang kabuhayan ng maraming naghihikahos na pamilya. Walang napala ang bansa sa giyera ni Gongdi.
Aking tinalakay kung paano ginamit ni Gongdi ang PNP bilang isang institusyon upang durugin ang mga mahihirap. Nagpagamit naman ang PNP sa tulong ng mga heneral at iba pang opisyal sa walang habas na patayan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming opisyal ng PNP ang nahaharap sa sakdal na crimes against humanity sa ICC.
Isang tsapter ang tungkol kay Leila de Lima, pinakaprominente sa mga inapi sa walang saysay na giyera kontra droga. Isinalaysay ko ang kalbaryo ni Leila sa kamay ng isang mapang-aping pangulo. Ikinuwento ko kung paano nag-umpisa ang sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakat. Kasama sa kuwento ang lihim na pagbisita ng prominenteng mambabatas ng European Union na humikayat kay Sonny Trillanes na isakdal si Gongdi sa ICC.
Sa mga nais magkaroon ng kopya ng aking aklat, makipagtalastasan sa aking anak na si Anne Lustre sa 0967 236 3051.
***
ISINULAT ko ito noong 2018 upang bigyan ng buhay ang mga polisiya ni Gongdi. Isinama ko rin ang ambag ng ibang netizen. Ibinabalik ko upang maalala natin ang mga kabulastugan at kagaguhan ng gobyernong Gongdi. Para hindi maulit.
MAJOR POLICIES OF THE GOV’T OF THE MADMAN:
1. The policy to pursue infrastructure projects using borrowed Chinese funds with high interest rates (which hardly come) is called BUILD, BUILD, BUILD.
2. The policy to resort to a spate of extrajudicial killings in the anti-drug war (which is a monumental failure) is called KILL, KILL, KILL.
3. The unwritten policy to grab credit from completed projects so that his government would appear a little palatable to the public is called GRAB, GRAB, GRAB.
4. The unwritten policy to shake down business firms so that it could extort money and favors is called KIKIL, KIKIL, KIKIL.
5. The unwritten policy to give up territories for China’s use and benefit is called GIVE, GIVE, GIVE.
6. The unwritten policy to resort to fake news, deception, and outright falsehood is called LIE, LIE, LIE.
7. The policy for top government officials to earn a windfall from state funds is STEAL, STEAL, STEAL.
8. The unwritten policy to persecute oppositionists is DIIN, DIIN, DIIN. (from Don Arceo)
9. The unwritten policy to free plunderers and marauders of state funds is called ACQUIT, ACQUIT, ACQUIT (from Julio Macaraeg Domingo)
10. The unwritten policy to berate the potential successor is called TAUNT, TAUNT, TAUNT (from Lyza Tan)
11. The unwritten policy to save his face from embarrassment caused by his careless public statement is called JOKE, JOKE, JOKE. (from Jorom Reantaso Olaguer)
12. The policy to intimidate critics, the clergy, and the Roman Catholic Church is called BULLY, BULLY, BULLY (from Lyza Tan)
***
MGA PILING SALITA: “The U.S. stands with the Philippines and partners in vehemently condemning the PRC’s repeated illegal and dangerous actions against Philippine vessels, including disrupting the Philippine resupply mission to the Sierra Madre today. PRC aggression undermines regional stability in defiance of a FreeAndO penIndoPacific.” – MaryKay Carlson, U.S. Ambassador to the Philippines
“The two charlatans who are supposed to be in hunger strike look like a pair of fattening cattle. Hypocrisy of the highest order.” – PL, netizen, kritiko
“Gaslighting is a malicious and hidden form of mental and emotional abuse, designed to plant seeds of self-doubt and alter your perception of reality. Minsan gawa ng partner, kaibigan, o politician. Kadalasan barker ng jeep. Tatlo pa daw, kalahating puwet na lang pala ang kasya.” – Miss Maggie, netizen
“”I feel sorry for the employees of SMNI, nabubuhay at binubuhay nila ang pamilya sa kasinungalingan at red tagging at pagsampalataya sa isang fake Messiah na wanted sa America! Talagang kapit sa patalim na lang para may makain ang pamilya. So sad.” – Zen F Czora, netizen”
The post ‘KILL KILL KILL’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: