
Bumaba ang bilang o porsiyento ng unemployment “tambay sa kanto” sa bansa? Yes, totoong bumaba nga at ito ay hindi haka-haka kung hindi ay may pinagbasehan. Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho. Meaning, may mga trabaho o pinapasukan na ang mga ito. That’s a good news.
Ang mga patunay ng pagbaba ay ang pag-angat ng aktibidades na may kinalaman sa ekonomiya na nagbigay trabaho sa maraming kababayan natin. Bukod dito, umangat din ng livelihood (iba’t ibang pinagkakakitaan) ngayon papalapit ang Pasko.
Isa pa sa nakitang kadahilanan ng pagtaas ng mga nagkaroon ng trabaho ay ang matatag at patuloy na pagtaas ng GDP sa bansa…at ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng bilihin “inflation rate”. Magkagayon, malinaw ang dulot ng mensahe ng mga pangyayari…isa itong simbolo na paangat nang paangat ang ekonomiya at malinaw na patungo na ang bansa sa pagbuti ng ekonomiya.
Sa kasalukuyan, ang bansa ay nakapagtala ng 5.9 porsiyento pagtaas ng ekonomiya sa ikatlong quarter ng taon – pinakamatatag sa sinasabing major Asian economies. Kasabay pa ito ng pagbaba ng inflation ng 4.1 porsiyento.
‘Ika nga ng kilalang major survey company – Social Weather Station… “that rate of overall hunger fell among the self-rated poor from 10.8 percent in June 2023 to 7.7 percent in September 2023”…kung saan nagpapakitang bumaba ito ng one-third.
Sa pinakahuling survey ng PSA kaugnay sa Labor Force lumalabas na ang bilang ng mga walang trabahong Pinoy na nasa edad 15 pataas ay bumaba sa 2.09 million mula 2.26 million nitong Setyembre.
Lumalabas na sa 49.89 million bilang ng mga naghahanap ng trabaho, ang antas ng walang trabaho ay umabot sa 4.2 percent.
Napakagandang balita ito, bumababa na ang bilang ng mga tambay sa kanto o palamunin…ito ay dahil nga sa may pinapasukan na sila o may pinagkakakitaan. Ano ba ang nangyari at bumaba ang unemployed?
Ito lang naman ay bunga ng patuloy na pagsusumikap ng administrasyon Marcos na magkaroon ng trabaho ang mga tambay at maibaba ang bilang ng mga unemployment na mga kababayan natin…ito rin ay hakbang o tugon sa mga plano ni Pangulong Marcos Jr. na ipinangako niya nang maupo siya sa Palasyo.
Matatandaan din na nilagdaan ng Pangulo ang isang batas – ang Trabaho Para sa Bayan Act (RA 11692) at kamakailan lang din ay ang – Public- Private Partnership (PPP) Act. Ang dalawa batas ay inaasahan makatutulong at makapagbigay ng maraming trabaho.
Matatandaan pa ang mga malakihang economic agreements na pinasok ng Pangulo sa kanyang mga presidential economic visit sa ilang mayayamang bansa kung saan inaasahang makapagbibigay ng mahuhusay at matatag na trabaho sa Filipino labor force.
Sinasabi rin na ang pinabilis na government spending ay hindi lamang makapagbigay ng trabaho at pasiglahin ang ekonomiya kung saan may mga imprastraktura, at sa halip ito ay nakapagpapaenganyo sa mga investor at makatutulong sa mga unemployed…sa puntong ito, ang magiging balik marami ang makapagtrabaho at gaganda din ang koleksyon sa buwis.
Ang estilong virtuous cycle ay matagal nang ginagamit ng pamahalaan – Built Better More na magbubunga ng maraming trabaho.
Sa larangal ng edukasyon at manpower, patuloy ang ginagawa ng gobyerno sa pagsasanay at pag-aaral para sa makamodernong teknolohiya na makatutulong ng malaki sa intellectual backbone para sa muling pagkabuhay o paglago ng ekonomiya ng bansa. Namumuhunan din ang pamahalaan para sa upskill (dagdag kaalaman sa makabagong estilo/skill) at reskill (pagsasanay sa mga kawani ng iba’t ibang post sa loob ng isang kompanya) upang makaka-umagpang ang workforce sa makabagong tabas ng economic landscape dala ng technological disruptions tulad ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI).
Daragdagan din ng gobyerno ang pamumuhunan ng imprastraktura na pinaniniwalaang makapagbigay ng maraming trabaho partikular na sa rural areas kung saan ang mga magsasaka ang isa sa makikinabang sa mga gagawin pang karagdagang bagong farm-to-market roads.
Para magpatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, nakatuon din ang pansin ng gobyerno sa paglikha ng matatag at mahusay na trabaho sa manufacturing resurgence plan.
The post Bilang ng mga “tambay sa kanto”, napababa ng Marcos admin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: