
WALANG masama na ang isang police officer ay nabibilang sa LGBTQ, ngunit kung ang mga katulad ng mga taong nabibilang dito ay nagagamit at napapagsamantalahan ng mga “diyablong nagkatawang tao”, ay nakakahiya at nakakasira hindi lamang sa imahe ng organisasyon kundi maging sa professional career ng naturang alagad ng batas.
Huwag na sanang idagdag pa sa maraming negatibong puna sa kapulisan ang ulat na nakarating sa SIKRETA na isang binabae o bading na PNP official ang ginawang sangkalan ng isang “RICHARD” kaya nakopo nito ang pagiging bagong “kapustahan” (police tong collector) ng ilang mga Region 4-A police official?
Kailangang tuklasin ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. ang katotohanan na nasa likod ni “RICHARD” ang isang homosexual na police colonel na nag-endorso sa kanilang superior officer na maging “kapustahan” ng multi-milyong payola/tongpats o suhol na tinatawag ding “intelhencia” para sa ilang mga “de kalibreng” police official sa CALABARZON.
Liban sa endorsement ni LGBTQ officer, ay halos dinoble ni “RICHARD” ang lingguhang engreso ng intelhencia na Php 1.35M sa Batangas; Php 1.38M sa Cavite; Php 1.8M sa Laguna; Php 1.3M sa Rizal at Php 1.25M sa Quezon na kinokolekta sa mga ilegalista para maabot ang abot-langit na tara ng ilang mga PNP official sa R4-A.
Bilang “kapustahan”, hindi lamang nasolo ni “RICHARD” ang pangongolekta ng protection money sa mga vice operator, oil at petroleum smuggler, sa mga operator ng illegal quarry, logging, colorum van at terminal, at iba pang uri ng labag sa batas na gawain kundi nagkaroon din ito ng kapangyarihang magbigay pahintulot sa mga ilegalista na makapag-operate sa hurisdiskyon ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Palibhasa’y sa lalawigan ng Cavite nakatarima si “RICHARD”, ay unang-una nitong binigyan ng “go signal” si “Hero” na makapag-operate sa mga bayan ng Noveleta, Amadeo at Ternate sa kondisyong kasosyo ito sa mga puesto pijo na saklaan. Si “Hero” ay nagpapanggap na security aid ni Cavite Gov. Junvic Remulla.
May alam kaya ang gobernador ng Cavite sa panggagamit sa kanyang pangalan ni “Hero” na kilala din sa larangan ng drug pushing sa Cavite? Ang nakadidismaya pa, maging sa mga pampublikong lugar ay naglatag na din ng mga sakla den sina “Hero” at “RICHARD” pati na sa mga lisensyadong sabungan at mga tupadahan na nagkalat sa naturang munisipalidad. Sa bayan ng Naic ay isa namang Marycon ang binendisyunan din ni “Richard” na makapag- puesto pijo o tukoy/hayag na mga saklaan.
Liban sa lingguhang pangongolekta ng intelhencia sa buong rehiyon, ay kasosyo din si “RICHARD” sa operasyon ng online bookies ni Melchor na kilala ding bagman sa Cavite ni Northern Luzon gambling icon na si Bong, pati si alyas Kap Abner na maintainer ng STL con-jueteng sa Damarinas City at Nitang Kabayo ang “STL bookies Queen Cavite” na nag-ooperate ng naturang ilegal na pasugal sa lahat na siyudad at bayan ng probinsya ni Gov. Remulla.
Si “RICHARD” din ang nagbendisyon na ituloy ang operasyon ng ala mini casino na pasugalan ng isang GLENDA at ng kalaguyo nitong police captain sa Brgy. Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Crestita Reyes at sa Brgy. Pinagtong-olan sa siyudad ni Lipa Mayor Eric Africa. Kaya naman nagmukhang inutil sina Malvar Police Chief Capt. Melecio Calipjo at Lipa City Police Chief LtCol. Rix Villareal?
Bukod sa kinalolokohang mga sugalan ay may salyahan din ng shabu at bentahan pa ng aliw na inilalako ng mga bugaw ni Glenda bagama’t “nasa tungki lamang ito ng ilong” nina Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas at PNP Provincial Director Col. Samson B. Belmonte.
Mariing sampal ang katarantaduhang ito nina “RICHARD” at “Hero” kay Cavite PNP Provincial Director Col. Elieuterio Ricardo Jr. at sagwil sa ipinangangakong reporma sa kanilang hanay ni PDGEn. Acorda Jr.
Lumilitaw ding tulad nina Gov. Mandanas at PNP Chief Acorda Jr., si Col. Ricardo Jr. na isang PNPA graduate ay isang weak leader., kung di nito masusupil sina “RICHARD” at Hero?
Ipinagbabanduhan ni “RICHARD” na business partner niya sa security agency at personal bodyguard pa ng isang PNP colonel, kaya gayon na lamang ang lakas ng loob nito na mag-operate ng sugal at iba pang uri ng illegal vices kasama na ang kalakalan ng droga sa probinsya ni Gov. Remulla at iba pang panig ng rehiyon.
Pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunungkulan ni PDGen. Acorda Jr. bilang pinuno ng may 228,000 na miyembro ng Pambansang Kapulisan sa paniniwalang magagawa nitong linisin ang pangit na imahe ng PNP sa mata ng madla.
Ngunit kung may isang “RICHARD” na balakid at tinik sa landas tungo sa hinahangad na internal cleansing, ay saan kayang direksyon patungo ang Pambansang Kapulisan? Sino kaya ang bading na PNP colonel na alas ng “kapustahan” at protektor ni “RICHARD”? May karugtong.
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144
The post LOVER BOY NG BADING NA COLONEL, KOLEKTOR NA, VICE OPERATOR PA! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: