Facebook

MAINAM PA DAW ANG PASKO NOONG PANAHON NG PANDEMIC KAYSA SA PASKO NGAYONG 2023

Maraming kababayan natin ang nagsasabing mas mainam at magaan pa daw ang Pasko noong panahon ng pandemic kaysa ngayong Pasko 2023 na talagang naramdaman nila ang hirap ng pamumuhay sa lahat ng aspeto.

Kung kailan pa anila nagbalik na sa normal ang kalakaran at takbo ng buhay ay saka pa daw bumigat ang dating ng pera at kalakalan.

Nandyan na anila ang biglaan at sobrang pagtaas ng presyo ng mga prime commodities tulad ng pagkain, gasolina at halos lahat ng kalakal sa merkado.

Maliban dito ay sunod-sunod din ang dating ng mga natural calamities tulad ng bagyo, lindol at iba pang disaster lalo na sa Visaya at Mindanao.

Dumagdag pa dito ang ating problema sa sobreynidad sa West Philippine Sea (WPS) na kung saan ito ay ina-angkin ng China. Tayo pa kasi ang luma-labas na intruder at nagtre-trespass sa ating sariling teritoryo.

Nandyan na syempre ang ginagawang harassment ng mga ito partikular na sa ating mga mangingisda na binigyan ng hangganan at limitasyon sa kanilang paglaot sa sariling dagat.

Ultimo ang paghahatid ng supply at pangangailangan ng ating mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal ay kanilang hinadlangan.

Umabot na sila ay harangin, bombahin ng water cannon, gamitan ng laser beam hanggang sa banggain ang kanilang barko at bangka.

Pati sa sarili nating produktong pang-agrikultura tulad ng sibuyas, kamatis at bigas ay pinasan natin dahil sa sobrang taas ng presyo nito sa merkado.

Mantakin niyong dumating pa sa puntong ini-smuggle at pinapalusot na rin sa Bureau of Customs ang sibuyas na tipong ina-angkat na sa ibang bansa, tsk… tsk… tsk…

Ang ating mga balikbayan na sa halip na mga tsokolate, sigarilyo at alak ang pinapasalubong sa kanilang pamilya at mga kaibigan ay sibuyas na lang ang hina-harimonan ipalusot sa kanilang hand-carry baggage dahil nga sa sobrang mahal nito.

Mabigat na ininda rin natin ang problema sa illegal na droga (shabu) dahil napag-alaman na mismong kapulisan natin ang nagpupuslit at nagre-recycle nito sa mga lansangan.

Tone-tonelada ang pinapalusot nitong shabu na bilyong piso ang halaga na kung tutuusin ay kayang supplyan ang lahat ng barangay sa National Capital Region (NCR).

Sobrang walanghiya ang mga ito na ginawa pang pamato ang higit-kumulang sa sampung libong mga tao na kanilang pinatay matapos na akusahang mga user at pusher, kawawa po naman ang ating mga kababayan, ‘di po ba?

Maliban sa pandemic sanhi ng Covid-19, walang ganitong problema noong mga panahong iyon kung kaya’t mapayapa’t tahimik at masaya ang sambayanan kung ikukumpara sa normal na panahon ng Pasko 2023.

Naging dahilan din nito ang madalas na lock-down at trabaho na hanggang sa kasalukuyan ay problema pa rin naman na mas lalo pa yatang tumindi.

Motibo ang seguridad sa ating kalusugan kung kaya’t istriktong pina-patupad din ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Sa kabila ng lahat ng ito ay wala naman naging problemang masyado sa kabuhayan dahil sa sustentado naman ng gobyerno ang lahat.

Normal na ngayon ang situwasyon, dapat sana ay masaya at mapayapa tayo dahil sa tayo ay malaya at nakakakilos na sa ating mga sarili.

Ipagpatuloy natin ang tulungan at bayanihan na naging mahalaga noong panahon ng pandemic kung kaya’t ito ay ating nalampasan.

Isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat at pasalamatan natin ang Poong Maykapal sa lahat-lahat.

The post MAINAM PA DAW ANG PASKO NOONG PANAHON NG PANDEMIC KAYSA SA PASKO NGAYONG 2023 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAINAM PA DAW ANG PASKO NOONG PANAHON NG PANDEMIC KAYSA SA PASKO NGAYONG 2023 MAINAM PA DAW ANG PASKO NOONG PANAHON NG PANDEMIC KAYSA SA PASKO NGAYONG 2023 Reviewed by misfitgympal on Disyembre 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.