Facebook

3 katao sugatan sa pananaksak sa Malabon

MALUBHANG nasugatan ang dalawang construction worker nang pagsasaksakin ng kapitbahay na kanilang ininsulto at isang babae na umawat sa Malabon City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Jessie Belarma, 31; Art John Arevalo, 30: at si Mahalia Pojas, 25, na nagtamo ng sugat sa kaliwang pulso, mga  residente ng No.133 Lupa Association, Block 1, Letre Road, Gozon compound, Brgy. Tonsuya.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa follow-up operation ang salarin na si Melvin Pojas, 34, helper at nakatira din sa nasabing compound.

Sa ulat kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, habang nag-iinuman ang mga biktima sa kanilang compound nang dumating ang salarin 11:40 ng gabi at pinagsabihan ito nina Belarma at Arevalo ng nakakainsultong salita hanggang magkasuntukan.

Nang maawat ng kanilang mga kamag-anak, umakyat sa kanilang bahay ang salarin at kumuha ng patalim at inundayan ng saksak ang mga biktima.(Beth Samson)

The post 3 katao sugatan sa pananaksak sa Malabon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 katao sugatan sa pananaksak sa Malabon 3 katao sugatan sa pananaksak sa Malabon Reviewed by misfitgympal on Disyembre 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.