NAGPAABOT si Senador Christopher ‘Bong’ Go ng mainit na pagbati sa mga Pinoy ngayong Pasko, nasa bansa o ibayong dagat man sila.
Binigyang-diin ni Go na habang patuloy na nakikibaka ang mga Pinoy sa mga hamong hatid ng global issues and concerns, ay marapat pa rin nilang bigyang halaga ang pagpapanatiling malusog sa kanilang mga pangangatawan at pagkakaroon ng compassion sa bawat isa.
“Sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon, mahalaga ang kalusugan at pagmamalasakit sa isa’t isa. Ito ang regalo na dapat nating pahalagahan,” ayon pa sa senador.
Ayon pa kay Go, mahalaga ring magkaroon ng diwa ng komunidad at pagkakaisa, “Ang bawat isa sa atin ay bahagi ng isang malaking pamilya – ang pamilyang Pilipino. Sa pagtutulungan at pagkakaisa, malalampasan natin ang anumang hamon.”
Samantala, sa isang panayam kamakailan, hinikayat rin ni Go, na kilala sa kanyang healthcare at public service, ang mga Pinoy na manatiling vigilante at bantayan ang kanilang kalusugan.
Aniya, mayroong 159 Malasakit Centers na ang naitayo sa bansa na maaaring takbuhan ng mga ito sakaling mangailangan sila ng healthcare services.
“Masaya po ako na marami pong mga kababayan nating mahirap ang natutulungan. ‘Yung mga helpless at hopeless ating kababayan, meron silang matakbuhan,” aniya pa.
Si Go ang principal author at sponsor ng Republic Act No. 11463 o The Malasakit Centers Act of 2019, which institutionalized the Malasakit Centers program.
The post Malusog na pangangatawan at compassion sa mga Pinoy, holiday wishes ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: