Ni ARCHIE LIAO
SINABI ng mag- asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na magkasangga raw sila pagdating sa pagpapalaki at pagdidisiplina sa kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.
Ani Marian, usapan daw kasi nila ni Dingdong na kapag pinagalitan daw niya ang sinuman sa kanilang mga supling ay walang kakampihan ang mister.
Sey pa niya, siya rin daw ang tumatayong halimaw sa bahay.
Patakaran daw nila sa kanilang mga anak na walang cellphone, Ipad o anumang gadget.
Ito raw ay para huwag magambala ang kanilang pag-aaral at maprotektahan sila sa social media.
Gayunpaman, kapag daw naman feeling niya ay sumobra siya sa pagdisiplina sa kanyang mga anak, siya raw naman ang gumagawa ng paraan para mag-sorry sa mga ito.
Nagpapasalamat naman siya dahil nauunawaan naman ng kanyang mga anak ang kanyang intensyon.
Tungkol naman sa mister na si Dingdong, inirerespeto raw niya ang papel nito bilang padre de pamilya.
Hindi rin niya ikinakaila na mataray siya gayunpaman nasa lugar daw naman ang pagiging mataray niya.
Bilang Kabitenya, very transparent daw talaga siya at sinasabi lang niya kung ano ang nararamdaman niya.
Gayunpaman kahit daw may ganoong imahe siya ay di naman ibig sabihing hindi siya loving o lovable person.
Pero noon daw nagka-pamilya na siya ay nag-mellow na siya.
Nag-mature na rin daw siya mula nang maging ina siya.
Aminado rin siyang pinaiyak siya ng “Rewind” co-star na si Dingdong noong bago mag-birthday ito.
Sumama raw ang loob niya dahil nag-effort talaga siya para paghandaan ang ika-43 taong kaarawan ng hubby noong Agosto na sa huli nakansela.
Nag-beg off daw si Dingdong para sa bonggang pasabog sana nito sa kabiyak.
Katuwiran kasi ng aktor, hindi niya feel ang ganoong pa-tribute para iwas gastos.
Sey naman ni Dong, puwede raw naman ang ganoong klaseng selebrasyon marahil kapag 45 years old na siya.
***
Balik-Sinehan” inilunsad ng MTRCB
INILUNSAD ni MTRCB Chair Lala Sotto ang “balik-sinehan” campaign noong araw ng Pasko sa Trinoma cinema grounds.
Layunin ng kampanya na hikayatin ang mga manonoood na paigtingin ang pagtangkilik sa mga pelikulang palabas sa mga sinehan lalo na iyong mga kalahok sa ika-49 na edisyon ng Metro Manila Film Festival.
Ipinakilala rin ang MTRCB mascot na si Klik na puwedeng sumisimbolo sa tablet, phone o remote kung saan responsabilidad ng isang manonood ang content na kanyang papanoorin.
Ang “Balik Sinehan” campaign ay dinaluhan nina Vice Chair Njel de Mesa at Board Members Neal Del Rosario, Atty. Cesar Pareja at Mark Andaya.
The post Marian aminado, halimaw sa bahay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: