Aabot sa 400 libong halaga ng ipinagbabawal na paputok ang sinira ng Quezon City Police District.
Pinangunahan ni QCPD District Director PBGeneral Redrico Maranan ang ceremonial destruction ng firecrackers sa Camp Karingal ground.
Sinabi ni Maranan, na lahat ng mga nakumpiska paputok dahil sa entrapment operation, at pinaigting na operasyon ng lahat ng police station sa lungsod.
Kasabay nito, binalaan din ni Maranan ang mga pulis at sibilyan sa pagpapaputok ng kanilang baril.
Sisiguruhin ni Maranan na sinumang pulis ang mahuhuling magpapaputok ng kanilang baril sasampahan ng kaso at masisibak sa pwesto. Maging ang mga sibilyan aarestuhin at kakasuhan din.
Nagpaalala ang QCPD Chief sa publiko na huwag tangkilikin ang mga ipinagbabawal na paputok.
Mas mainam na gumamit na lang ng mga alternatibong paraan na makakalikha ng ingay sa pagsalubong sa bagong taon.(Ernie Dela Cruz)
The post P400k nakumpiskang iligal na paputok, sinira ng QCPD appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: