Facebook

BAGONG TAON SA PAGHIHIRAP NG MAGSASAKA MULA SA DENR PRINCESS?

HAPPY NEW YEAR 2024 TO ALL.., subalit, maraming mga magsasaka sa PALAWAN ang mistulang nakapangalumbaba sa kakaharapin na namang panibagong PAGHIHIRAP mula sa mala-diktaduryang sistema ng YULO KING RANCH na sumasakop sa 40,000 ektaryang pinoprotektahan naman ngayon ng PRINSESA sa DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR).

Sa mga nakalipas na panahon, ipinamalas ng DENR ang pangil laban sa mga pabrikang nagdudulot ng polusyon, mga ganid na negosyanteng kumakalbo sa kagubatan, ang ilegal na minahan, at iba pang mapaminsalang aktibidad.., gayunpaman, hindi limitado sa pagsupil sa mga sumisira sa kalikasan ang mandato ng nasabing departamento.., dahil ayon sa batas na lumikha ng DENR ay bahagi ng mandato ng nabanggit na kagawaran ang pagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman.

Sa pag-upo noong July ng nakaraang taon ni MA. ANTONIA YULO-LOYZAGA ay marami ang nagduda kung angkop nga ba ang paghirang sa kaniya ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Dangan naman kasi, may CONFLICT OF INTERESTS sa pagitan ng nakaatang na mandato at ang interes ng pamilyang nagmamay-ari ng malawak na hacienda sa mga bayan ng CORON at BUSUANGA kung saan patuloy ang pakikipaglaban ng mga magbubukid na benepisyaryo ng COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP).

Sa ibinulong ng ARYA BEES…, may humuhugong daw ngayon sa DENR na may namumuong hidwaan o COLD WAR sa pagitan ni DENR SECRETARY at ng ilang UNDERSECRETARY, ASSISTANT SECRETARY at maging sa REGIONAL DIRECTORS.., kasi asal PRINSESA raw si DENR SECRETARY dahil kulang na lang daw ay ang utusan silang magtimpla ng kape o magbitbit ng bagahe sa kaniyang sangkatutak na biyahe.

May isang DENR OFFICIAL daw ang nainis at naglitanyang hindi raw siya nagsunog ng kilay at naging career official para utus-utusan lang ng isang feeling prinsesa.

Eto ngayon.., nang lumabas ang balita hinggil sa napipintong paggisa ng CONGRESS kay ENVIRONMENT SECRETARY kaugnay sa resolusyon ng MANILA REGIONAL TRIAL COURT na nagtatalaga sa kanya bilang ‘EXECUTOR’ ng 40,000 ektaryang YULO KING RANCH sa PALAWAN na kinaroroonan ng nasa 1,000 magsasakang pinagkaitan ng karapatan sa binubungkal na lupa.., e hayun at lalo pa raw naging sumpungin ang ASINDERYANG PRINSESA.

Siyempre pa.., batid na marahil ni YULO-LOYZAGA na nahaharap siya sa isang malaking problema.., kaya naman humingi na raw ito ng saklolo sa PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE para salagin ang kontrobersiya laban sa kaniya.

Mga ka-ARYA…, normal lang at tama naman si DENR SECRETARY na protektahan ang interes ng YULO-LOYZAGA CLAN.., yun nga lang ay hindi angkop na gamitin nito ang kaniyang puwesto sa gobyerno.., na dapat pumili lang siya.., MANDATO NG DENR o PROTEKTAHAN ANG RANTSO NG KANILANG ANGKAN?

May mga batas sa pagmamay-ari ng LUPA tulad sa isinasaad ng SALIGANG BATAS 1987 ay ang mga pampublikong agrikultura lamang ang maaring paupahan hanggang 1,000 ektarya sa mga pribadong korporasyon at ang mamamayan ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 12-ektarya ng AGRICULTURAL LAND; pero sa isinasaad ng PHILIPPINE BILL OF 1902 ay nililimita hanggang 16-ektarya ang maaaring maging pagmamay-ari ng private individual at 1,024 ektarya naman para sa corporations.., ang isyu ngayon ay anong batas ang nagpapahintulot para sa pagmamay-ari ng YULO FAMILY sa 40,000 -ektaryang AGRICULTURAL LAND?

Panukala ng ARYA sa LAWMAKERS.. linawin at mahigpit na ipairal ang limitasyon sa maaaring ariing ektarya ng pribadong indibiduwal!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.

The post BAGONG TAON SA PAGHIHIRAP NG MAGSASAKA MULA SA DENR PRINCESS? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BAGONG TAON SA PAGHIHIRAP NG MAGSASAKA MULA SA DENR PRINCESS? BAGONG TAON SA PAGHIHIRAP NG MAGSASAKA MULA SA DENR PRINCESS? Reviewed by misfitgympal on Enero 01, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.