“MARITESS” at malaking kalokohan, gawa-gawa lang ng mga tsismoso at tsismosa na ipinasok or nasa intensive care unit (ICU) siya, sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.
Totoo, aniya, dumaan siya sa isang operasyon sa puso, pero ngayon ay maayos na maayos ang kondisyon ng kanyang kalusugan.
“My heart is good, wala akong problema (sa puso),” sabi ni Sec. Boying.
Sa edad na 62-anyos, inaalagaan niyang mabuti ang sarili at maayos na nagagawa ang trabaho bilang justice seceretary.
Sa isang presscon noong Biyernes, Disyembre 29, 2023, sa opisina niya sa Department of Justice (DOJ), sinabi niya malaking kalokohan ang tsismis na na-confice siya sa ICU.
“I was never in the ICU,” sabi ni Remulla.
Kagagawan ng mga taong desperado na ang kumalat na tsismis, para masira siya sa mata ng publiko, sabi pa niya.
Kung di siya nakita ng publiko ng ilang araw, nag-iingat lang siya para sa kanyang kalusugan.
Aniya sa presscon, hindi na siya bumabata, kaya kailangang lagi siyang maging maingat sa sarili.
“I have to be careful,” sabi ni Remulla.
Maganda ang tibok ng puso niya, at ang katunayan ay maayos ang kalagayan niya, kahit dumaan siya sa isang open-heart surgery noong Hunyo 27 ng nakaraang taon, agad din siyang bumalik sa trabaho.
Totoo, aniya, noong nakaraang apat na buwan, madalas siyang kumukunsulta sa kanyang doktor, at okay na siya.
Sabi niya: “My heart is good.”
***
Isang reader natin ang nag-comment, sabi niya, “Billion of (US) dollars ang itinutulong ng America sa mga kaalyado nila, so, bakit hindi hingiin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na gastusan ang pagtatayo ng naval and military bases sa ating teritoryo?”
Oo nga naman, tutal, may open declaration ang Amerika na gagawin ang lahat para tayo maproteksiyon laban sa anomang outside aggression, tulad ng ginagawa ng China sa South China Sea (West Philippine Sea).
Sabi pa ng reader natin, regaluhan ng US ang Pilipinas ng isang malaking barko de giyera na ide-deploy na malapit sa Ayungin Shoal.
“Tutal laging sinasabi ni PBBM, not an inch ng ating teritoryo, ay papayagan niya na makuha sa atin (ng China). Pero paano niya magagawa ito kung mahina ang ating miliary at naval defense.
Kung talagang kaibigan natin ang US, at totoo na tutupad ito sa Mutual Defense Treaty (MDT), ‘wag nang hintayin pa na lusubin tayo, ngayon na ay tulungan na tayo, not later, but now!” sabi ng ating nagkokomento.
Ano kaya ang masasabi rito ni Defense Sec. Gibo Teodoro?
Isa pang reader ang nag-comment na nabasa niya na mas marami raw na naagaw na isla na ginawang military and naval base ang Vietnam kaysa China.
Sabi ni Google: “Vietnam occupies 21 features in the Spratly Islands. According to Accent Micro Technologies Inc (AMTI), Vietnam has 49 or 51 outposts in the South China Sea spread across 17 features including 10 islets. About 45 islands are occupied by relatively small numbers of military forces from China, Malaysia, the Philippines, Taiwan, and Vietnam. It is unclear how many islands in the South China Sea are controlled by Vietnam.”
Any comments from the Defense Department big bosses?
***
Kung pawang fake news, paninira ang ginagawa ng mga vlogger na sina Maharlika Boldyakera, Sass Rogando Sasot at Pebbles at iba pang kontra sa Marcos policy, bakit walang official statement ang Malacanang tungkol sa kanilang ikinakalat na “kasinungalingan?”
Comment lang din ito ng isa pa nating reader, ano kaya ang masasabi ng ating Presidential Communications Office (PCO)/News Desk?
Happy New Year po sa ating lahat. I wish you all a more healthy, prosperous and peaceful 2024.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.
The post REMULLA: MY HEART IS GOOD appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: