Facebook

KAHULUGAN NG ‘DESTAB’

ILANG beses nang napaulat ang banta ng destabilisasyon o sa maikling salita ay ‘destab’ laban sa administrasyong Marcos Jr.

Noong una ay maaring itinuring muna itong tsismis kaya ang madalas ang mga politiko ay ganoon na lamang ang kanilang mga pahayag kapag natatanong sa isyu ng ‘destab’.

Hindi ito pinapatulan kasi [nga] ay tsismis ang turing dito subalit nang umalma na ang isang heneral ng Philippine National Police (PNP) ay pinatulan na ng tinatawag natin na ‘mainstream media’.

Matagal-tagal na rin natin hindi narinig sa mga balita ng ‘destab’ mula nang umupo sa trono si Tatay Digong pero noong panahon ng mga nauna sa kanya ay talaga naman kaliwa’t kanan ang ganitong banta sa gobyerno o administrasyon.

Alam naman natin ang tindi ng boto na nakamit ni Tatay Digong noong Halalan 2016 kaya kahit may mga akusasyon na marami itong kapalpakan bilang Pangulo ay nanatiling mataas ang kanyang ‘Trust Rating’ nanaog na siya sa trono.

Sa panunungkulan ni dating Pangulong Gloria ay doon nauso ang bintang na ‘hakot’ laban sa mga protesta kontra sa kanyang administrasyon lalo na nang matalo nito sa halalan si Da King FPJ.

Nang maupo naman sa Malakanyang si dating Pangulong Noynoy ay ganoon din ang inabot nito sa mga banta ng ‘destab’ kabilang na ang mga protesta kasi ang katwiran ay hindi siya ang tinatawag na ‘majority president’ kaya marami ang maingay.

Nitong nakalipas na Halalan 2022 ay nagulat ang maraming kritiko ng angkan ng mga Marcos nang lumusot ito na may bitbit na sangkaterbang boto – ‘majority president’ ang tawag diyan.

Kung ‘majority president’ si Pangulong Marcos Jr., bakit mayroong banta ng ‘destab’? Malinaw naman na lumalabas lamang ang ganitong mga banta kung ‘minority president’ o may bintang ng katiwalian sa administrasyon.

Inilalarawan lamang na marupok ang isang administrasyon kung may mga ganitong ugong ng ‘destab’.  Maayos naman ang lahat hanggang sa nito lamang mga nakalipas na buwan, di ba?

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com

The post KAHULUGAN NG ‘DESTAB’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KAHULUGAN NG ‘DESTAB’ KAHULUGAN NG ‘DESTAB’ Reviewed by misfitgympal on Enero 09, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.