MISTULANG inutil sina Philippine National Police Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at Batangas PNP Provincial Commander Col. Samson Belmonte, ganon din si Mayor Cristeta Reyes dahil sa kabiguan ng mga ito na ipasara ang permanente o puesto pijo na mini casino ng isang nagngangalang Glenda sa bayan ng Malvar, Batangas.
Parang wala nang umiiral na batas sa munisipalidad na pinamumunuan ng kontrobersyal na mayor na minsan na ding naharap sa matinding kaso kaugnay sa akusasyong koraspsyon dahil sa pagpabor nito sa kanyang anak sa pagbebenta ng lupaing noon ay pagtatayuan ng isang eskwelahan sa Brgy. Santiago sa bayan ng Malvar.
Pinatawan ng suspension si Mayora Reyes at ang kaso nito ay umabot pa hanggang sa Sandigang Bayan kung saan ito at ang dalawa nitong co-accuse ay nilitis.
Bagama’t naka-abswelto ang butihing mayora ay nag-iwan ito ng batik sa kanyang pagkatao at naging tampok ito ng usap-usapan bilang isang korap na alkalde kahit na napasinungaligan ito sa paglilitis sa hukuman.
Isang kontrobersya na naman ang nabubuo sa bayan na pinaglilingkuran ng wala pang talo na alkalde dahil sa maugong na balitang kumare nito ang beterenang operator ng malaking ilegal na pasugalan sa Brgy. Santiago, Malvar na nakapaglatag ng permanente o puesto pijo na ilegal na pasugalan kadikit lamang ng CP Reyes Satellite Clinic sa naturang ding barangay.
Ang gambling den operator na si alyas Glenda na nakilala din sa larangan ng kalakalan ng droga ay hindi lamang ilegal na pasugal ang inaatupag sa kanyang puesto pijo kundi doon na din nagpapabenta ng shabu.
Ang mga batos o tauhan ng nasabing pasugalan ay hindi lamang tagapagtulak ng shabu kundi kontak din ng mga parokyanong gustong kumuha ng serbisyo ng mga teen-ager na prostitute kung nais ng mga itong “maglaro ng apoy” matapos na makapagsugal sa nabanggit na gambling joint.
Maugong din ang balitang ang lupaing kinatitirikan ng pasugalang mahigit sa isang taon at kalahating pinatatakbo ni alyas Glenda ilang metro lamang ang layo sa police detachment o Malvar Police Precinct ay pag-aari ng mga Reyes?
Ang siste pa nito, lumutang ang balitang kahit na “nasa tungki lamang ng ibabaw ng ilong” ni Malvar Police Chief Capt. Nemecio Calipjo Jr. ang naturang bawal na pasugalan, shabuhan na may prosti o “kangkangan” ay hindi ito pinatitigil o kaya ay ipinahuhuli si Glenda pagkat kumare ito ni Mayora Reyes?
Mismong si alyas Glenda ang nagdadaldal na may inaanak sa kanya si Mayor Reyes kayat dahil sa malalim nilang pinagsamahan ay siya lamang ang tanging binasbasan upang makapaglatag ng pasugalang ulani’t-arawan at 24 oras na nag-ooperate sa Brgy. Santiago.
Ipinagyayabang pa ng nasabing vice operator (Glenda) na malaki ang ambag nitong election fund tuwing tumatakbo sa pagka-alkalde ang butihing mayora?
Nagtataka talaga ang ating mga KASIKRETA kung bakit tila pader sa tibay ng gambling con drug at prosti den nitong si Glenda sa Malvar. May kaugnayan kaya ang ipinamamalita nito? Ni-raid nang minsan ang pasugalan ni Glenda nitong nakaraang buwan lamang ngunit lumilitaw na moro-moro o palabas lamang ang ginawang raid ng PNP Region 4-A kasama ang Malvar at mga Lipa City Police operative sa mga gambling den ni Glenda sa Brgy. Santiago, Malvar at Brgy. Pinagtong-olan, sa lungsod ni Lipa City Mayor Eric Africa.
Ilang oras matapos ang raid at maaresto ang may 10 tauhan ni alyas Glenda sa magkahiwalay na pagsalakay sa dalawang puesto pijo na pasugalan, ay muling nakapag-operate ang naturang lady drug/gambling at prostitution den operator.
Dahil sa pangyayari, hindi lamang sina Batangas PD Col. Belmonte, Mayora Reyes, Mayor Africa ang naging masama sa mata ng madla, kundi maging si PNP Director General Acorda Jr. na pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunungkulan bilang pinuno ng mahigit sa 228,000 na kapulisan.
Hindi lamang ang pagiging magkumare nina Mayor Reyes ang anggulong sinisilip sa bayan ng Malvar, kundi ang katotohanang may mga kakaibang nagaganap sa naturang munisipalidad. Bukod sa may permanente o puesto pijo na sugalan si alyas Glenda, ay nasa Poblacion Malvar pa ang isang pergalan (peryahan na may sugalan) na pinag-ugatan na din ang operasyon ng mga pasugalan sa tabi ng gasoline station.
May patupada din sa Brgy. Bagong Pook ang isang alyas General Abo-Gago, Small Town Lottery bookies ng kaanak ni Mayor na si alyas Nestor at ang pinaka-matindi pa ay ang paihi o buriki operation ng magkasosyong Ed at Rico sa Brgy. Bulihan sa naturan ding bayan. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144
The post KUMARE NI MAYORA REYES, MAY DROGA, SUGAL AT “KANGKANGAN” SA MALVAR? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: