Facebook

REMULLA UMALMA SA PRESENCE KUNO SA BANSA NG ICC PROBERS

PAGKATAPOS ng ilang linggong pananahimik ay sa wakas, nagsalita na ang ating iniidolong Justice Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla tungkol sa kumakalat na usap-usapan na naririto na raw ang imbestigador ng International Criminal Court (ICC).

Bali-balita ay pinapasok na raw ang ICC drug war probers para mangalap ng ebidensiya laban sa bintang na mat state sanctions sa panahon ni dating Pres. Rodrigo Duterte ang libo-libo raw na biktima ng extra-judicial killings (EJKs).

Sabi ni Sec. Boying, dapat magpakita ng respeto ang ICC probers sa ating gobyerno, at i-notify ang DOJ sa kanilang presence sa bansa.

Teka, wala tayong naririnig mula kay Presidential Legal Adviser Manong Johnny Ponce Enrile na noon, sinabi niya, kung sila ang masusunod, pagdating ng ICC probers, ipaaresto niya ang mga ito.

Manong Johnny, kumusta na po kayo, ano’ng reaction n’yo po sa balitang nakakalat na andito na ang mga imbestigador ng ICC?

Ipapayo po ba n’yo kay Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ipaaresto ang mga walang respetong ICC drug probers?

Kasi, sa salita ni Sec. Boying parang nandito na nga sila, kasi sabi sa balita,” Justice Secretary Remulla challenges the ICC, urging them to formally notify the DOJ about their presence in the Philippines for the alleged drug war probe.”

Gusto ni Sec. Boying, dapat na makipag-usap ang ICC sa DOJ kung totoong naririto na nga sila, ibig sabihin, hindi pa sigurado kung nandito nga o wala pa ang mga “pakialamerong ICC.”

E, bakit walang report ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) o ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kung naririto o wala ang mga imbestigador ng ICC — na sa totoo lamang, wala silang jurisdiction sa ating bansa, ito ay malibang pinayagan na ng Malacanang ang pagpasok nila sa atin at makialam kung paano patatakbuhin ang hustisya sa Pilipinas.

Giit ni Sec. Remulla, kung nandito nga ang ICC, aba naman, igalang nila ang batas natin, sumunod sila sa international law at sa proseso ng ating batas at hustisya.

Saka, walang dahilan na makipag-cooperate tayo sa ICC, sabi ng ating makisig na justice secretary, kasi kumalas na, hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas!

Tama si Sec. Boying na igiit na makipagkita sa kanya ang ICC probers kung nandito na sila sa Pilipinas.

“It is their responsibility and duty to make contact with the DOJ in accordance of the principles of international law,” sabi niya.

Ewan kung “marites” lang ang sabi ni dating spox ni dating Pres. Duterte na si Atty. Harry Roque na nandito na, pagala-gala na ang ICC investigators at kumukuha na ng mga testimonies, at kung ano-ano pa para mausig si Duterte.

Tama, dapat sumunod ang ICC probers sa ating mga tuntunin at protocol, tulad ng sabi ni Sec. Remulla.

“They (ICC probers) have to respect us. They have to establish protocol. They have to deal with the duly constituted authorities of the country for this to happen,” sabi ni Sec. Boying.

E, paano kung hindi sumunod ang ICC, ano ang susunod na gagawin ng DOJ … ipaaaresto na sila, tulad ng payo noon ni Manong JPE?
***
Kagaya nang binanggit ko kamakalawa sa pitak ito, isang reader natin ang nag-comment, sabi niya, “Billion of (US) dollars ang itinutulong ng America sa mga kaalyado nila, so, bakit hindi hingiin ni PBBM na gastusan ang pagtatayo ng naval and military bases sa ating teritoryo?”

Tutal, may open declaration ang US na gagawin ang lahat para tayo maproteksiyon laban sa anomang outside aggression, tulad ng ginagawa ng China sa South China Sea (West Philippine Sea).

Nararapat lang siguro na regaluhan na tayo ng US ng isang malaking barko de giyera na ide-deploy sa malapit sa Ayungin Shoal, di po ba?

E sa tuwina naman ay sinasabi ni PBBM, not an inch ng ating teritoryo, ay papayagan niya na makuha sa atin (ng China). Pero paano niya magagawa ito kung mahina ang ating miliary at naval defense. If, talagang kaibigan natin ang US, at totoo na tutupad ito sa MTD, ‘wag nang hintayin pa na lusubin tayo, ngayon na ay tulungan na tayo, not later, tama po ba dear readers?

Ano ang masasabi rito ni Defense Sec. Gibo Teodoro?

At binanggit ko rin sa pitak na ito na ayon sa isang masugid nating tagasubaybay ay may nabasa raw siya na mas marami raw na naagaw na isla na ginawang military and naval base ang Vietnam kaysa China.

Sabi ni Google: “Vietnam occupies 21 features in the Spratly Islands. According to AMTI, Vietnam has 49 or 51 outposts in the South China Sea spread across 17 features including 10 islets. About 45 islands are occupied by relatively small numbers of militsry forces from China, Malaysia, the Philippines, Taiwan, and Vietnam. It is unclear how many islands in the South China Sea are controlled by Vietnam.”

Tatanungin ko ulit ang Defense Department big bosses, ano ang komento nyo rito?

Muli, isang Manigong Bagong po sa ating lahat!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post REMULLA UMALMA SA PRESENCE KUNO SA BANSA NG ICC PROBERS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
REMULLA UMALMA SA PRESENCE KUNO SA BANSA NG ICC PROBERS REMULLA UMALMA SA PRESENCE KUNO SA BANSA NG ICC PROBERS Reviewed by misfitgympal on Enero 03, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.