Facebook

SUGAL SA MINDORO, HAMON SA BAGONG TALAGANG REGIONAL DIRECTOR NG PRO MIMAROPA

MALAKING HAMON sa bagong talagang Regional Director ng PRO MIMAROPA ang pamamayagpag ng operasyon ng jueteng at iba pang sugal sa Oriental Mindoro.

Tila walang makapipigil sa pamamayagpag ng sugal na ito sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor kung totoo nga ang mga ipinagyayabang ng mga nasa likod ng “jueteng corporation” na diumanoy pinatatakbo ng ilang maimpluwensiyang pulitiko sa First District ang multi-million kubransa at payola na ipinamumudmod sa ilang mga kurakot na pulitiko at PNP officials.

Dapat alamin ni Police Regional Office MIMAROPA Regional Director, Police Brigadier General Roger Laroza Quesada kung sino –sino sa mga opisyal niya at mga pulitiko ang nagbigay ng “basbas” sa “jueteng corporation” maging ang mga pergalan namay sandamakmak na sugal tulad ng color games, drop ball, bito-beto at iba pang uri ng sugal sa kanyang nasasakupan.

Ayon kasi sa sumbong ang unang dalawang linggo na kubransa ng jueteng sa Oriental Mindoro, 5 porsiyento diumano dito ay napupunta sa mga cabo, 20 porsyento sa local government units. Siyempre, kung meron ang mga politiko, naturalmente na magkaroon din ang kapulisan sa kasabihang ‘yong para kay “EDDIE”.

Ang tanong, ilang porsiyento naman ang para sa tanggapan ng mga Chief of Police, CIDG, Provincial Police Office at Police Regional Office?

Dagdag pa nila, diumanoy umaabot na sa P1.8 milyon ang kada araw na kubransa ng “jueteng corporation” sa labing apat na bayan at isang siyudad sa Oriental Mindoro.

Kaya dapat atasan ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa lalawigan ng Oriental Mindoro para i-monitor ang kapulisan na hayagang lumalabag sa “internal cleansing” ng PNP at “no take” policy vs illegal gambling.

Dapat ring kumilos dito si DILG Sec Benhur Abalos, dahil may ilang pulitiko pala ang sangkot sa multi-million na “payola” at PNP officials.
Bukod dyan ayon sa sumbong ay abala din diumano sa pangongolektong ang isang alyas Nonoy sa mga pergalan namay sandamakmak na sugal tulad ng “color games, beto-bito, drop ball, pingpong at iba pa gamit ang tanggapan ng S2 at R2?
Subaybayan natin!

***

Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com

The post SUGAL SA MINDORO, HAMON SA BAGONG TALAGANG REGIONAL DIRECTOR NG PRO MIMAROPA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SUGAL SA MINDORO, HAMON SA BAGONG TALAGANG REGIONAL DIRECTOR NG PRO MIMAROPA SUGAL SA MINDORO, HAMON SA BAGONG TALAGANG REGIONAL DIRECTOR NG PRO MIMAROPA Reviewed by misfitgympal on Enero 03, 2024 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.