Facebook

BARANGAY KAPITAN ITINUMBA NG RIDING IN TANDEM

LAGUNA – Tinambangan at napatay ng riding in tandem criminals ang isang barangay kapitan sa Barangay Tranca, Bay sa lalawigang ito, Sabado ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni Laguna PNP Public Information Officer (PIO) Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nakilala ang biktima na si Arnold Martinez, 54 anyos, kapitan ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon, 9:20 ng umaga nang maganap ang insidente. Naglalakad ang kapitan sa bahagi ng Bitin-Sto.Tomas Road nang sumulpot ang dalawang motorsiklo na kukay asul at itim at may tig-dalawang sakay at pinagbabaril si Martinez.
Nang matiyak ng gunmen na hindi na mabubuhay sa mga tama ng bala ang kapitan, mabilis na tumakas ang mga ito patungo sa direkyon ng Sto Tomas, Batangas.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead in arrival. May mga tama sa ulo at katawan ang kapitan.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya. (DICK GARAY)

The post BARANGAY KAPITAN ITINUMBA NG RIDING IN TANDEM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BARANGAY KAPITAN ITINUMBA NG RIDING IN TANDEM BARANGAY KAPITAN ITINUMBA NG RIDING IN TANDEM Reviewed by misfitgympal on Enero 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.