Facebook

Dengvaxia at Covid vaccines magkaiba ang implementasyon!

ANG kinatakutang epekto ng DENGVAXIA ay hindi dapat isipin ng masa na maging katulad ito ng mga bagong COVID VACCINE dahil malaki ang ipinagkaiba sa pagpapaimplementa ngayon na may kaakibat na malasakit ang.mga kinauukulan kumpara sa DENGVAXIA IMPLEMENTORS na hinde ipinaalam sa publiko ang pagbabawal na sa paggamit ng naturang bakuna 18-buwan matapos ilunsad ang mass vaccinations sa ating bansa.

April 2016 noong pasimulan ang DENGVAXIA VACCINE bilang pangontra sa sakit na DENGUE.., subalit dahil sa paglabag sa requirements na dapat isumite ng SANOFI (DENGVAXIA MANUFACTURER) lalo na ang effectiveness evaluation report na isinagawa sa MALAYSIA at PILIPINAS na hinde isinusumite ay binawi ng FOODS AND DRUGS AUTHORITY (FDA) ang CERTIFICATE OF PRODUCT REGISTRATION ng naturang manufacturer noong November 2017.

Gayunman, kahit may pagbabawal na sa DENGVAXIA ay itinuloy pa rin ang pagbabakuna ng DENGVAXIA hanggang noong August 2018. Makulit din ang SANOFI na umapela pa sa OFFICE OF THE PRESIDENT.., pero kinatigan ang desisyon ng FDA at ipinag-utos pa ang permanent ban ng DENGVAXIA.

Sa mga naging press conference ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) ay naihayag nina PAO CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA at PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE na ang desisyong permanent ban ng DENGVAXIA ay hinde ni-reveal ng FDA at ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na noo’y pinangangasiwaan ni ngayo’y CONGRESSWOMAN JANETTE GARIN.., at hinde rin umano ini-orient ang mga doktor kaya tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna na lingid sa kaalaman ng mga doktor ay mayroon nang permanent ban order ang nasabing bakuna.

“Hindi kasalanan ng mga doktor, kasi sila man ay hinde sinabihan sa nasabing desisyon.., inilihim sa kanila ng FDA at ng DOH sa pamumuno noon ni CONG. GARIN, kaya silang mga opisyal ay kinasuhan dahil sa sinapit na malatortyur na kamatayan ng maraming mga kabataang mag-aaral na tinurukan ng Dengvaxia gayong walang health assessment sa mga bata at higit ay hinde man lang ipinagpaalam sa mga magulang ang ginawang massive dengvaxia vaccinations,” pahayag ni.DR. ERFE.

Ipinunto naman ni PAO CHIEF ACOSTA na huwag isisi sa kanilang ahensiya ang pagkatakot ng mamamayan sa bakuna dahil inaasistehan lamang umano nila ang pagdulog ng mga magulang ng mga batang namatay at base rin sa mga resulta ng mga pagsusuri ng PAO FORENSIC TEAM kaya naisampa ang kaso laban sa DENGVAXIA.

“Hinde ako against sa vaccine sa katunayan ako at ang buong pamilya namin ay kumpleto sa mga bakuna,” paglilinaw ni CHIEF ACOSTA.

Sa naturang DENGVAXIA CONTROVERSY ay naging mapanuri na ngayon ang buong sambayanan, na ang lahat ng mga COVID VACCINES tulad ng Moderna, Pfizer-BioNtech, AstraZeneca at iba pa ay binubusisi at mahigpit na ipinaiiral ang lahat ng requirements.., at ipinapaliwanag na rin ang mga side effect sa oras na maturukan ng bakuna ang sinuman. Higit sa lahat ay nililinaw ng HEALTH OFFICIALS na ang isasagawang pagbabakuna ngayon ay bahagi ng programang “HUMAN TRIALS” at ipinapaliwanag pa na hinde sapilitan kundi boluntaryo ang pagpapaturok.

***

MASUSTANSIYANG NUTRIBUN SA BATANGAS…

Puspusan ang DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY (DOST)- FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSTITUTE (FNRI) sa pagtuturo ng tinaguriang ENHANCED NUTRIBUN na ilan sa mga sumalang sa ikatututo para sa masarap at masustansiyang tinapay ay ang SAN ISIDRO MULTIPURPOSE COOPERATIVE (SIMCO) at ang SABUHIN BAKERY sa ROSARIO, BATANGAS CITY.

Ang pagtuturo ng “ENHANCED NUTRIBUN” ay isinagawa nitong January 13 hanggang 15 sa pamamagitan ng via ZOOM PLATFORM at itinuro ang paggawa gamit ang standard formulation ng FNRI at ang naging mga tagapagturo ay ang mga nagpakadalubhasa sa paggawa ng NUTRIBUN na sina JAYPY DE JUAN, JOSEFINA GONZALES, ENGR. CHARLIE ADONA at RICHARD ALCARAZ.

Ipimunto ng FNRI na ang ENHANCED NUTRIBUN ang kasagutan sa panawagan ng DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENTS (DSWD) patungkol sa MEMORANDUM CIRCULAR No. 12 series of 2020 o ang panuntunan sa IMPLEMENTATION OF THE SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM ngayong ipinaiiral ang COMMUNITY QUARANTINE.., kung saan sa komparasyon ng NUTRIBUN noong dekada 70’s ay mas higit na nagrataglay ng MICRONUTRIENTS tulad ng IRON at VITAMIN A.., at ang texture ay mas malambot, tumitimbang ng 160-165 gramo per piraso na madaling mahahawakan at makagat ng bata ang inilulunsad ngayong bagong kalidad ng nutribun.

Naalala ko noong elementary days ko ay isang nutribun lang ang kayang bilhin ng perang bigay sa akin ng mga magulang ko bilang baon sa eskuwela.., wala na akong pambili maski palamig man lamang kaya pagkaubos ko ng nutribun e iinom na lang ako ng tubig mula sa gripo… presto pinakatanghalian ko na ang nutribun.

Hiling ng ARYA..,, ngayong panahon ng COVID-19 PANDEMIC ay mapaglaanan dapat ng mga LOCAL GOVERNMENT UNIT ng ayudang pinansiyal na ipantutustos sa pagkakaroon ng ENHANCED NUTRIBUN sa oras na mapayagan na ang face to face classes sa mga pampublikong paaralan, upang may masustansiyang tinapay na makakain ang mga batang mag-aaral!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Dengvaxia at Covid vaccines magkaiba ang implementasyon! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dengvaxia at Covid vaccines magkaiba ang implementasyon! Dengvaxia at Covid vaccines magkaiba ang implementasyon! Reviewed by misfitgympal on Enero 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.