ILANG araw nang nakararanas ng frost o andap ang ilang bahagi ng Atok, Benguet.
Sa ulat nitong Lunes, makikitang natakpan ng manipis na yelo ang mga tanim.
Normal daw na nakararanas ng andap ang Atok tuwing Enero hanggang Marso bawat taon.
Sa Bontoc, Mountain Province naman, bumagsak sa 12°C ang temperatura, dahilan para mabalot ng makapal na hamog ang bayan. Para tapatan ang lamig, napilitang mag-bonfire ang ilang residente.
Sa ibang lugar sa Mountain Province ay umabot ng 10°C ang temperatura.
The post Frost o andap naranasan sa Benguet appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Frost o andap naranasan sa Benguet
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 01, 2021
Rating:
Walang komento: