IPINATIGIL ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at ng mga opisyal ng barangay ang noise barrage ng militanteng grupong Anakbayan sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila.
Nagsagawa ng noise barrage ang Anakbayan upang ipanawagan sa gobyerno ang karapatan ng vendors sa kabuhayan lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Iginigiit din ng grupo na kasama nila sa aktibidad ang mga vendor ng Trabajo Market para ipaalam ang kanilang hinaing.
Ayon naman kay Barangay 453, Zone 45 Chairwoman Leticia de Guzman, walang permit at hindi niya pinayagan ang nasabing aktibidad ng militanteng grupo. Hindi rin aniya tototo na may mga vendor na kasama nila sa noise barrage.
Agad ding kinausap ng kapitan ng barangay ang mga vendor para alamin kung may mga pagkukulang ba sa pamamalakad ng pamunuan ng palengke at iba pang hinaing ng mga ito.
Dahil sa ayaw paawat, napilitan ang pulisya na sapilitang paalisin ang ilitanteng grupo dahil nagdudulot na ito ng perwisyo sa daloy ng trapiko at hindi narin nasusunod ang inilatag na health protocols.(Jocelyn Domenden)
The post Noise barrage ng militante sa Trabajo Market, ipinatigil appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: