TIGOK ang lider ng ‘Espinola Gang’ na sangkot sa drug trafficking at gunning sa operasyon ng pulisya sa Angeles City, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Gerald Espinola, lider ng naturang gupo, ng Jadrian St., Barangay Balibago, Angeles City.
Ayon kay PNP Chief, Gen Debold Sinas, 2:30 ng madaling araw nang magasagawa ng operasyon ang mga elemento ng Provincial Intelligence Team-Pampanga at City Intelligence Team-Angeles, Regional Intelligence Unit 3, Angeles City Polic, at CIDG Central Field Unit Angeles sa Hardian St, Brgy Balibago.
Base ang operasyon sa warrant of arrest sa paglabag sa Sec. 5 Article II of RA 9165 na ipinalabas ni Hon. Omar T. Viola, Presiding Judge ng RTC Branch 57, Angeles City,
Sangkot ang Espinola Group sa drug trafficking at gunning activities sa Angeles City at kalapit na mga bayan.
Nauna rito, nadakip si Vener Nalud na miyembro ng Espinolo group nitong Feb. 1, 2021.
Si Espinola at Nalud ay kapwa kabilang sa mga Most Wanted Person-City level at sa listahan ng mga High Value Target. (Mark Obleada)
The post Lider ng drug trafficking at gun running tigok sa barilan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: