EXTRAORDINARY times require extra ordinary measures.
Ito ang damdamin at nasa isip ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kaalyado sa pagsusulong ng isa na namang hakbang na magbibigay-tulong sa ating mga kababayan na nalugmok sa pandemya ng COVID-19.
Ikinasa ni Cayetano sa Kongreso ang ‘Bangon Pamilyang Pilipino’ (BPP) Assistance Program na magbibigay ng P1,500 sa bawat miyembro ng pamilya o P10,000 sa bawat pamilya alinman ang mas malaki.
Kasama ni Cayetano sa paghahain ng panukalang batas ang kanyang may bahay na si Congresswoman Lani, dating Deputy Speakers Lray Villafuerte, Raneo Abu, Dan Fernandez, Bulacan 1st District Cong. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado, at Anakalusugan Partylist Representative Michael Defensor.
Malaking ginhawa ito para sa ating mga kababayan lalo na at hindi pa tayo nakakabalik sa ating normal na pamumuhay dahil hanggang ngayon nandyan parin ang COVID-19, at magsisimula pa lamang magbakuna ang ating bansa ngayong buwan o kaya sa Marso na sinasabing magpapatuloy hanggang tatlong taon.
Alam naman natin na sumadsad ng -9.5% ang ating ekonomiya sa taon 2020 dahil sa COVID-19. Ito ang pinakamatinding lagapak ng aspetong financial ng Pilipinas mula nang mangyari ang World War II. Nakakalugmok dahil halos P 2.5 billion kada araw ang nawala sa atin dahil sa pandemyang ito.
Sa kanilang explanatory note, ipinaliwanag ng mga may akda ng House Bill 8597 (BPP Assistance Program) na sinisiguro ng hakbang na ito na mabigyan ng dagdag allowance ang ating mga kababayan na lugmok parin sa ngayon. Prayoridad na makakatanggap ng cash aid na ito ang senior citizens, persons with disabilities (PWD), solo parents, mga nawalan ng trabaho, medical frontliners, pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs), mga indibidwal na hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), mga may Philippine National ID, at ang nasa vulnerable sectors ng ating lipunan.
Sinabi pa ni Cayetano na kapag maipasa ang panukalang batas na ito ay makatutulong din ito para “lumakas ang household consumption na makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya” na dumanas ng pinakamatinding pag-urong.
Hindi naman natin maikakaila na matatag ang dibdib at matatapang ang loob ng mga Pilipino kahit anumang pagsubok ang ating hinaharap, ngunit ayon kay Cayetano at ng kanyang mga kaalyado, kailangan paring tulungan ang ating mga kababayan na makabangon sa kanilang sitwasyon na dulot ng COVID-19 dahil hanggang ngayon ay marami ang nawalan ng trabaho at kabuhayan, maraming negosyo ang nagsara, at limitado parin ang galaw ng mga tao para maghanap ng mapagkakakitaan dahil sa mga pinapatupad na basic Anti-COVID protocol.
Ayon pa kay Cayetano, “Yung P10,000 per family, parang kukuha ka sa kaliwang bulsa, babalik din sa kanan, dahil iikot din ‘yon sa ating ekonomiya.” Dagdag pa niya na kung itutuloy ang pamimigay ng ayuda ay matutulungan hindi lang ang consumers kundi pati ang mga supplier at buong ekonomiya ng bansa. Yes!
Ang ating panawagan sa liderato ngayon ng Kamara ay sana naman aksyunan agad ang panukalang ito dahil mahaba-haba pang panahon ang titiisin ng ating bansa at ng ating mga kababayan dahil patuloy parin ang pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo.
Okey ba, Speaker Lord Velasco?
***
Sa weekly National Press Club (NPC) Zoom forum nitong Biyernes, tinalakay ng among guest na si UP Prof. Jay Batongbacal ang paghahari ngayon ng China sa West Philippines Sea kungsaan hina-harass ang ating mga mangingisda ng Chinese Coast Guard at tila ang China pa ang kinakampihan ng mga opisyal ng Duterte administration. Sa nangyayaring ito ay baka raw makapag-isip magkaisa ang ating mangingisda at magsagawa ng rali sa WPS laban sa pambu-bully ng Chinese military ships sa eryang sakop ng Pilipinas. Tsk tsk tsk…
The post P10K ‘Bangon Pamilyang Pilipino’ cash aid appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: