Facebook

MPBL, RED SIGNAL PA SA IATF-JAO

MAGHIHINTAY pa ng tamang panahon bago makapagpatuloy sa aksiyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kahit sa ‘bubble-style’ system dahil sa katayuan ng liga bilang isang amateur tournament na hindi pinapayagan sa mga kondisyon ng Joint Administrative Order (JAO) ng Games and Amusements Board (GAB), Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH) na siyang pinagbatayan ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik ng sports sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa coronavirus COVID-19 pandemic.

Ayon kay GAB Chairman ‘Baham’ Mitra ,noong pang Disyembre 11, 2020 nang sulatan at sagutin ng GAB-PSC-DOH ang kahilingan ni MPBL legal counsel Atty. Vicente Jaime Topacio hingil sa pagbabalik aksyon ng MPBL sa ‘bubble system’.

“Under Section V General Guidelines of the JAO No.2020-0001, non-professional contact sports and activities and non-professional sporting events are temporarily suspended. Only sporting events and competitions conducted by professional sports leagues and associations under the jurisdiction of GAB are permitted to resume in low-risk areas,” ayon sa sulat na pirmado niya at nina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at DOH Undersecretary Myrna Cabotaje.

“Matagal na namin inabisuhan ang MPBL management regarding the JAO.

Pasensiya po kaya siguro antayin na lang natin na mas magbago ang sitwasyon at palapit na ang vaccines na makatutulong para makasiguro tayo na maiiwasan ang hawaan,” pahayag ni Mitra.

Ang JAO ang ginamit na batayan ng IATF para aprubahan ang ‘safety and health’ protocol para sa pagbabalik ng ensayo at kalauna’y face-to-face game sa ilalim ng ‘bubble’ system kung saan mahigpit at masinsin ang ginagawang pagbabantay ng GAB sa mga recognized at sanctioned league tulad ng Philippine Basketball Association (PBA), Philippine Football League (PFL), Chooks-to-Go 3×3, Philipinas Golf Tour (PGT), pro boxing at combat sports, gayundin ang Philippine Chess Association of the Philippines (PCAP).

Naghahanda na rin ang pagbubukas ng National Basketball League (NBL), National Women’s Basketball League (WNBL), Premier Volleyball League (PVL) at ang bagong pro cage league sa South na Pilipinas Vismin Super Cup.

We are just following the JAO na binuo at nagkakaisang napagkasunduan ipatupad kasama ang PSC at DOH. Kung babalewalain ito, lahat po ng mga liga at activities ay lalarga na at hindi na makokontrol ang tao, mababalewala ang lahat ng ginagawa ng pamahalaan para labanan ang COVID-19,” sambit ng dating Palawang Governor at Congressman.

Nasa ikatlong season na ang MPBL na binuo at pinangangasiwaan ni Senator Manny Pacquiao. Sa record ng GAB, maraming beses na umanong nilang kinausap ang pamunuan, sa pangunguna ni Commissioner Kenneth Duremdes na mapa-sanctioned sa GAB, ngunit hindi ito binigyan ng prioridad ng MPBL.

Ayon kay Mitra, may nilagdaan na ring kasunduan ang GAB at PSC kung saan hinabi at naglagay ng hangganan para sa pagkakakilanlan ng isang liga o aktibidad bilang professional o amateur.

“Simple lang, kung ang mga players na naglalaro sa liga ay may kontrata at binabayaran sa paglalaro, hanap-buhay ‘yan, professional ang mga ‘yan. At ang ligang pinaglalaruna nila isang professional,” pahayag ni Mitra.

Tulad ng MPBL, maymga kontrata at tinatanggap na suweldo ang mga players na naglalaro sa Philippine Super Liga (PSL), at Beach Volleyball Republic (BVR). Parehong nakabinbin din ang mga ‘request’ kznilang sa pagbabalik aksyon sa IATF.

The post MPBL, RED SIGNAL PA SA IATF-JAO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MPBL, RED SIGNAL PA SA IATF-JAO MPBL, RED SIGNAL PA SA IATF-JAO Reviewed by misfitgympal on Pebrero 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.