KUNG nanggagalaiti kayo sa sobrang taas ng bilihin sa mga palengke.., puwes, sa mga residente ng QUEZON CITY ay ngayong araw ng Sabado at bukas (Linggo) ay makapamamalengke ng mga sariwang gulay, prutas at iba pang mga produkto na mabibili sa murang halaga lamang.
Kaya mga KA-KYUSI.., tara mamalengke tayo ngayong araw ng Sabado at Linggo na ito ay magiging pamalagiang araw upang makapamili ng mga sariwang gulay sa murang halaga kumpara sa mga presyong bilihin ngayon na maging ang presyon ng inyong dugo ay manggagalaite sa sitwasyon.
Sa pangunguna ni QC MAYOR JOY BELMONTE ay hinihikayat nito ang kaniyang mga kalungsod partikular na ang mga residente na limitado lamang ang laman ng kanilang mga bulsa ay ito na po ang pagkakataon para sa murang halaga ng bilihin.
Ngayong araw ay mga sariwa at bagong aning mga gulay mula sa proyekrong BUHAY SA GULAY na inilunsad ng DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) na pinangangasiwaan ni SECRETARY JOHN CASTRICIONES at ng QC GOVERNMENT gayundin ng BARANGAY BAGONG SILANGAN sa pamumuno ni CHAIRMAN WILFREDO “WILLY” CARA ang magiging paninda sa gawing bahagi ng COMMONWEALTH ENTRANCE, QUEZON MEMORIAL CIRCLE na kinapupuwestuhan din ng PLANT SELLERS.
Ang mga panindang gulay ay inani mula sa NEW GREENLAND, BRGY. BAGONG SILANGAN na 7-ektaryang lupain ang tinaniman ng iba’t ibang mga halaman na ayon kay MAYOR BELMONTE ay madadagdagan pa ng 3-ektaryang lupaing mapagtatamnan na bahagi ng URBAN FARMING PROJECT.
Inaasahan naman ng mga constituent na maging regular na ang araw ng Sabado at Linggo para makapamalengke ng mga murang bilihin sa loob ng QUEZON MEMORIAL CIRCLE (QMC) na tinaguriang #QCFreshMarket.
Bukod dito, sa QC HALL COMPOUND ay may panindahan ding nga tingi-tinging SUKA, TOYO at MANTIKA.., yun nga lang ay kinakailangang magdala ang mga bibili ng kanikaniyang botelyang babasagin para mapaglagyan ng kanilang bibilhing condiments.
Ang proyekto namang ito na tinaguriang “BRING YOUR OWN BOTTLE” ay inisyatiba ng QC GOVERNMENT bilang bahagi sa kampanyang mabawasan ang paggamit ng mga plastik o selopin.
Bilang pagtitiyak sa kaligtasan o seguridad ng mga mamimili, ang mga botelya ay kinakailangang napakuluan ng 15- minuto o kung hinde man ay maaaring makabili ng sterilized reusable glass bottle (500 ml) sa halagang P20 lamang.., na ang store hour ay mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon Lunes hanggang Biyernes.
Bahagi pa rin sa ipinaiiral na HEALTH PROTOCOL ay puspusan ang pangangampanya ni MAYOR BELMONTE na huwag kalilimutang magsuot ng face mask at face shield.., kailangang sumunod sa social distancing at magdala ng sariling eco bag para lalagyan ng mga pinamili.
Bunsod sa inilunsad na URBAN FARMING at sa pinasimulang AQUACULTURE PROJECT.., na ang mga nabakanteng kural ng mga baboy dahil bawal na ang pag-aalaga ng mga baboy sa kanilang lungsod ay ginawang alagaan na ng isda sa mga nasa lugar ng BRGY. BAGONG SILANGAN at PAYATAS ay humihiling ang mga residente na maglunsad pa ang QC GOVERNMENT ng mga AQUACULTURE PROJECT SEMINAR sa lahat ng mga barangay., para ang mga pami-pamilya ay maaaring makapag-alaga ng isda sa loob ng kanilang mga pamamahay.
Kamakailan ay inilunsad ang naturang proyekto na pinagtuwangan ng BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES (BFAR) at ng QC GOVERNMENT na 10,000 piraso ng hito fingerlings at 9,000 piraso ng tilapia fingerlings kabilang ang feeds para sa buong panahon ng pag-aalaga ang ipinagkaloob sa mga benipisaryo.., na inaasahang 1.58 metric tons ng hito at 1.29 metric tons ng tilapiya ang.makukuha sa bawat pag-aani.
Hiling naman ng ibang mga residente na magsagawa pa ng mga pagtuturo o mga seminar hinde lamang sa hito at tilapiya kundi maging sa pag-aalaga ng IGAT (EEL), HIPON, BIYA, GURAMI, TAKANGKA, SUSONG PILIPIT at SUSONG KUHOL na magiging kapakinabangan ng pami-pamilya para sa kanilang pangkabuhayan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Murang bilihin sa QC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: